CHAPTER 2

1526 Words
Binagsak ko ang maletang buhat-buhat ko para lagyan ng mga gamit ko. “Ang bigat,” bulong ko bago pabagsak na humiga sa aking kama. Kaya ayaw ko ring umaalis dahil sa pag-aayos pa lang ng mga gamit ay pagod na ako. Tumingin ako sa kisame at napatulala. Uuwi na ako sa Pilipinas pero ano naman ang naghihintay na kapalaran sa akin do’n? Napabangon ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Jade nang magkausap sa tawag no’n. Sabi niya ay ikakasal na raw si Dylan, kung gano’n ay may posibiladad na hindi ko na siya makita ulit. Napangiti ako bago itali ang buhok. Hindi ko inakala na mainipin palang tao si Dylan. “Sino?” bulong ko sa aking sarili. “Sino ang babaeng mas nakahigit sa akin sa puso mo?” Napaka-s’werte. Kung p’wede lang na hindi ako umalis nang araw na ’yon, siguro ngayon ay magkasama pa rin tayo at bumubuo na nang sarili nating k’wento. Pero parang hindi talaga tayo nakatadhana. Ikakasal ka na at ako ay... Ito, nandito. Trabaho nang trabaho para malibang ang sarili. May isang bagay rin pala akong gustong sabihin kay Dylan. Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana ng k’warto ko. Binuksan ko ito at malakas na hangin ang sumalubong sa akin kaya naman napapikit ako. “Dylan, Engineer na ako. Ginawa ko lahat para matupad ang sinabi mo.” “Ate Cally?” Agad akong napatingin sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Charlie. “Charlie? Bakit?” tanong ko rito at napansin ko na para bang may tinatago siyang kung ano sa kaniyang likod kaya naman nagtaka ako. “Ano ’yan?” Nag-iwas siya nang tingin bago mamula ang mukha. “A-ano...” Tumaas ang aking kilay nang hindi niya ituloy ang sasabihin niya. “Hmm?” “I-i want to tell you something,” anito kaya naman hinintay ko ang sasabihin niya. “Gusto kong sumama sa’yo sa Pilipinas.” “What?” tanong ko rito. Nagulat naman ako nang ipakita niya sa akin ang isang bag na halatang may laman na. “Pfft—” Pinigilan ko ang aking sarili na matawa dahil sa hitsura niya. Para siyang batang nagmamakaawa na isama sa lakad ko. “L-look! Nag-impake na rin ako,” sabi niya at napatango ako. “St*pid, nag-aaral ka pa. Kapag nakapa—” “Ayaw kong maiwan ko rito, Ate,” sambit niya at hindi man lang niya ako pinatapos na magsalita. “Charlie,” tawag ko rito. “I want to go with you, gusto kong sumama sa inyo ni Maxine.” “Charlie,” tawag kong muli rito. “A-ayaw ko nang mahiwalay sa inyo,” mahinang sabi niya kaya naman napangiti ako. “Hey, Charlie. Alam mo bang tatlong ticket lang ang nabili ni Atreus?” tanong ko sa kaniya at agad naman siyang napatingin sa akin. “One for me of course, one for Maxine at alam mo ba kung para kanino ang isa pa?” tanong ko sa kaniya at napatango naman siya. “Y-yeah, o-one for Kuya Atreus.” Pahina nang pahina ang boses niya habang sinasabi ’yon. “You’re wrong,” sambit ko at hinawakan ang kaniyang ulo. “One is for you so pack your things, aalis na tayo mamayang gabi.” Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko kaya naman nginitian kita. “I love you... I love you! I love you so much, Ate Cally!” sabi nito at niyakap ako. “Oh boy, I hate drama. Go to your room at ayusin mo na ang lahat ng gamit mo.” Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at tumalon bago mabilis na lumabas sa silid ko. ‘My little brother, hindi ka na malalayo sa amin.’ Sinipa ko ang maletang nakaharang sa daanan ko. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala bakasyon ang ipupunta ko sa Pilipinas kung hindi trabaho pa rin. Pilipinas. Nand’yan lahat ng taong mahahalaga sa akin, sila Kuya Chase, Kuya Ezekiel, Jade, Sandra, Emerald, Ruby, Icom, Marco, and... Dylan. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? May mga asawa na kaya sila? O may sariling pamilya? Kay Sandra ay wala na rin akong balita. ‘Pambihira.’ Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagkita-kita na kami. Baka katakot-takot na hampas ang matanggap ko sa kanila kapag nagkita-kita kami. Parang ayaw ko na tuloy tumuloy sa binabalak kong pag-uwi. Napapikit ako bago kapain ang cellphone ko sa bulsa dahil naririnig kong tumutunog ito. “Oh?” sagot ko sa tawag. “Hindi ka na talaga nagbago, hindi ka ba marunong mag-hi man lang o kaya ay hello—” “Ano bang kailangan mo? Nag-iinarte pa,” sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya. “Tss, itatanong ko lang kung saan kayo tutuloy paglapag niyo rito sa Pilipinas?” tanong ni Kuya Ezekiel kaya naman napalabi ako bago mapaisip. Oo nga, hindi ko alam kung saan kami tutuloy nila Maxine. ‘Cally, may mansion tayo.’ “Sa bahay ko ay maluwang kung gusto niyo ay rito kayo tumira hanggang gu—” “Sa mansion,” ani ko at naglakad papalapit sa swivel chair ko upang maupo ro’n. “Sa mansion na lang kami.” “Ayaw mo ba—” “Ayaw ko.” Sumagot na ako kahit na hindi pa tapos ang itatanong niya. “Sabi ko nga, sige na. Ipapalinis ko na lang ang mansion para malinis ’yon kapag lumipat tayo.” Napataas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. ‘Tayo? Hindi ako na-inform na makakasama pala namin siya.’ “Sige na, sige na. Bahala ka,” sabi ko bago patayin ang tawag. Aish. Wala na talagang atrasan ’to. Pero... Handa na nga ba talaga ako? Handa na ba talaga akong makita sila ulit? “Handa na kaya akong makita siyang muli?” tanong ko sa aking sarili. “Oo naman! Handang-handa ka na, dala mo na ang lahat ng gamit mo p’wera lang sa akin. Basta, susunod ako sa’yo kapag naayos ko na ang lahat dito. ’Wag ka sanang gagawa ng kalat do’n habang wala ako.” Sinamaan ko nang tingin si Atreus dahil sa pinagsasabi niya. “Ano ako? Bata?” sarkastikong tanong ko sa kaniya na agad naman niyang ikinatawa. Ganiyan si Atreus, tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya akong ganitong asar na asar sa kaniya. “Alam ko naman na alam mo na ang mga dapat mong gawin pero alam mo namam na hindi ako mapakali kapag wala ka sa ta—” “Atreus, manahik ka. Nabuhay ka ng halos dalawang dekada na hindi ako kasama kaya ’wag mo akong aartehan ng ganiyan,” sabi ko na may pagbabanta sa boses na mas lalo niyang ikinatawa. Kasiyahan niya talaga ako. “Just kidding,” sabi niya habang natatawa kaya naman napairap ako. “Ate Cally, matagal pa po ang flight natin?” tanong sa akin ni Maxine kaya naman yumuko ako upang pantayan siya. “Sandali na lang,” sagot ko sa kaniya “Ate Cally, it’s true that Kuya Ezekiel is there?” tanong naman sa akin ni Charlie. “Yeah, he’s living there.” “Hay, umalis na nga kayo mas lalo lang akong naiinggit.” Napatingin ako kay Atreus. “Hindi ko na kayo maihahatid sa loob.” “Bye! Bye! Kuya Atreus, see yah!” Kumaway si Maxine nang buhatin na siya ni Charlie upang mauna nang pumasok sa loob ng airport. “Kuya Atreus, sunod ka sa amin, ha!” Nagsimula nang maglakad papasok sila Charlie kaya naman haharap na sana ako kay Atreus pero nagulat ako nang yakapin niya ako. “Please... ’Wag ka na munang gumawa nang gulo habang wala pa ako sa Pilipinas,” bulong niya sa akin. What’s wrong with him? Kahit na nagtataka ay niyakap ko na lamang siya pabalik dahil baka talagang nag-aalala siya para sa akin. “Sure, sure. I promise,” sagot ko sa kaniya. Ang akala ko ay kakalas na siya sa pagkakayakap sa akin pero nagulat ako nang mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. “’Wag kang maghahanap ng ibang lalaki ro’n, ha?” kumibot ang gilid ng labi ko bago ko siya itulak para mahiwalay siya sa akin Ang akala ko ay seryoso na siya. Puro talaga kalokohan si Atreus. Pero bakit pakiramdam ko ay kinikiliti ako? Parang pakiramdam ko ay biglang uminit sa paligid ko. “Just kidding, sige na. Sundan mo na sila Maxine,” sabi niya sa akin at ngumiti. “’Yong mga bilin ko, ha?” tanong niya sa akin pero tanging irap lang ang sinagot ko sa kaniya bago maglakad papalayo sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil parang natanggal ang pangangamba ko dahil sa mga kalokohan ni Atreus. “Mag-iingat ka, Engineer ko!” sigaw pa nito kaya naman habang nakatalikod ako ay kumaway ako. “Hahatid pa kita sa harap ng altar!” ‘Siraulo talaga.’ Agad akong lumapit sa mga kapatid ko nang makita ko silang hinihintay ako sa entrance ng airport. “Ready?” tanong ko sa kanila at isang matamis na ngiti ang isinukli nila sa akin. “Let’s go home.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD