CHAPTER 1

1082 Words
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa akin habang natutulog ako. “Goodmorning, Ate Cally!” nakangiting bati sa akin ni Maxine. Muli kong pinikit ang aking mata dahil ramdam ko pa ang paghapdi nito. “Morning, Maxine,” bati ko rin sa kaniya pabalik bago bumangon at umupo upang tingnan ang aking kapatid. “What are doing here?” tanong ko rito. “Kuya Atreus is here,” sabi niya sa akin. “And he told me na gisingin daw po kita because he missed you so much.” Napataas ang aking kilay dahil sa sinabi ni Maxine. ‘Siraulong, Atreus.’ Napailing na lang ako bago tumayo at mag-inat. “Go to Atreus and tell him I’ll kick him,” sabi ko kay Maxine at agad naman siya g tumakbo palabas sa k’warto ko. Naghilamos lang ako bago ako bumaba upang babain si Atreus dahil alam ko na may sasabihin siyang mahalaga sa akin ngayon. “A.yaw.ko!” Nasa hagdanan pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Atreus na para bang may kaaway. “Kay Cally— Hey! Cally!” tawag nito sa akin nang makita niya akong pababa sa hagdanan. Naka-porma ito at halatang may lakad dahil may suot pa itong sun glasses kahit na nasa loob na siya ng bahay. ‘Siraulo talaga.’ “Si Rein kausap ko,” aniya. “Ngayon?” tanong ko sa kaniya at agad naman siyang napangiwi dahil sa sinabi ko. “Oh, my dear. Wala ka ba sa mood ngayon?” tanong nito muli kaya naman napailing ako. “She wants to talk to you.” Tiningnan ko siya at nakita ko na inaabot niya sa akin ang cellphone niya, tiningnan ko ’yon at nakita ko nga ang pangalan ni Rein. Rein, Atreus’s cousin in Philippines. Kinuha ko ang cellphone ni Atreus at inilagay iyon sa aking tainga. “How are you, Rein?” tanong ko sa tao sa kabilang linya. “Callyyyyyy!!!” Nailayo ko ang telepono sa aking tainga nang marinig ko ang matinis na boses ni Rein na tinatawag ang pangalan ko. “I need your help!” sabi nito kaya naman muli kong binalik sa aking tainga ang cellphone. “Saan? Anong klaseng tulong?” tanong ko rito bago tanawin si Atreus na nakikipagharutan na naman kay Maxine. “Gusto sana namin magpagawa ng bahay,” sambit niya kaya naman napatango ako na para bang nasa harap ko lang siya. “Ang problema ay ayaw ni Atreus na siya ang maghawak ng project sa pagpapagawa ng bahay namin,” sabi niya. “Anong maitutulong ko?” “Gusto ko sana na kung hindi si Atreus ang hahawak sa project na ’to ay ikaw na lang sana,” sagot niya sa akin. Napapikit ako bago tumingin kay Atreus. ‘Hayp talagang Atreus ’to, kapag ayaw niya ay sa akin pinapasa.’ “R-rein?” tawag ko rito. “Please?” Huminga ako ng malalim bago pukulin nang masamang tingin si Atreus na nakatingin rin pala sa akin. “Okay, okay, I’ll try. Sasabihan ko na lang si Atreus.” Wala na akong ibang choice, mahirap tanggihan si Rein. “Oh my god! Kinikilig ako! Okay, hihintayin ko ’yan, Cally! I love you!” Mahirap siyang tanggihan dahil napaka-bait niyang tao. Tiningnan ko ang cellphone ni Atreus at nakita ko ang mukha kong naka-wallpaper pa rito. Napailing na lang ako bago lumapit kay Atreus. “Here’s your phone.” Inabot ko sa kaniya ang cellphone niya. “Atreus, let’s talk outside,” sabi ko sa kaniya. “Maxine, hintayin mo ako rito. Mag-uusap lang kami ni Ate Cally.” Binitawan niya si Maxine bago sumunod sa akin. “Charlie, samahan mo muna si Maxine sa sala. Lalabas lang kami saglit si Atreus,” utos ko sa kapatid ko nang makita ko siya. “Got it,” sagot nito bago pumasok sa loob ng bahay. Nang masigurado kong wala na si Charlie ay hinarap ko si Atreus at hinawakan ito sa braso bago kaladkarin palabas ng gate. “Atreus, ano ba!?” tanong ko rito. “Anong ano ba?” inosenteng tanong nito sa akin at gusto ko siyang sinapain sa mukha. “What’s wrong with you, Cally?” Kunot-noong tanong nito sa akin. “’Wag mo akong ma-what’s wrong what’s wrong with you riyan!” singhal ko sa kaniya. “Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!” “Ahh, about ba sa sinabi ni Rein?” tanong nito sa akin. “Ikaw na lang ang kumuha ng project na ’yon dahil alam kong hindi niya ipapahawak sa iba ’yon.” Sinuklay ko ang buhok ko ganit ang mga daliri ko sa kamay. Pambihira, sobrang dami ko nang trabaho tapos bub’wisitin pa ako ng ganito ni Atreus. “Alam mo naman na matagal pa bago matapos ang project na hawak ko ngayon at alam mo rin kung gaano kalaki ’yon kaya naman hindi ko p’wedeng bitiwan na lang ’yon ng basta-basta,” saad ko at napahawak sa aking noo. “Sino ba ang nagpahawak sa’yo ng project na ’yon?” tanong nito sa akin kaya naman sinamaan ko siya nang tingin. “Ang Daddy mo!” sagot ko rito. “Right! Iwan mo na ang project na ’yan at puntahan si Rein, ako na ang bahala kay Dad,” sambit niya bago hawakan ang ulo ko. “Umuwi ka na sa bansa niyo, hindi bagay ang isang dayuhan na tulad mo rito sa bansa na ’to.” Hinawi ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking ulo. Napairap ako nang tumawa siya. Minsan talaga pagkakamalan niyong baliw si Atreus dahil parang mas malakas pa ang tama niya kaysa sa mga taong nakasama ko no’n. “Inaasahan ka ni Rein, kaya sige na. Susunod na lang ako kapag naayos ko na ang tungkol sa project ni Daddy,” sabi nito pero umiling ako. Kung gano’n nga lang kadali ’yon ay hindi ko na kailangan mag-isip pa. Ora mismo ay uuwi kami sa Pilipinas. “Hindi naman gano’n kadali ’yon,” bulong ko. “Pero kapag ako ang nagsabi ay madali na lang ’yon, kapag ako ang kasama mo ay walang imposible,” sambit niya na sinundan niya nang isang malakas na tawa. Napangiti ako hindi dahil sa sinabi niya, dahil sa kabaliwan niya. Pero sa hindi malamang dahilan ay parang nakikita ko rin siya kay Atreus. Hindi na ako magtataka kung isang araw... Mahulog ang loob ko rito sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD