"Blue, nakakahiya naman," saway ni Dakota. "Hayaan mo na, wala rin naman 'yang hiya, eh," saad ni Nemesis at pigil na natawa si Antonia. "Fine, oo, babayaran ko na," saad ni Red at nag-cross arm. Ilang sandali pa ay dumating 'yung in-order ni Blue na alak. Mamahalin 'yung alak na in-order niya. "Bakit ba gan'yan ang mga pangalan ninyo, mga crayons? Anong nakain ng magulang ninyo, crayons ba? May Blue tapos Red, Blue plus Red equals Violet. Wow, baka anak niyo 'yung bruhang Violet na 'yun?" Saad ni Dakota at napatingin naman ang magkapatid sa kan'ya. "Sino si Violet?" Tanong ni Red kay Blue at tumingin sa kan'ya. "Ah, wala, wala, katrabaho ko lang," tugon ni Blue at uminom ng alak. "Maganda ba siya?" Nakangiting tanong ni Red, parang interesado siya sa babaeng 'yun. "Maganda? Mukha