Chapter 1
Natulala nang saglit si Sidney nang makita ang Tita Keiko at Tito Lyeon niya sa bahay nila.
Kapapasok pa lang niya at naghuhubad na sya kaaagad ng sapatos sa may pintuan ay natigilan siya.
Hawak niya sa isang kamay ang stiletto shoes niya habang ang isa ay naiwan sa paa niya.
Ang stiletto shoes really? Yes! Nakikipagbarilan sya ng nakatakong at kapag naman aksidente na kailangan niyang manghabol ng sanggano ay hinuhubad niya ang mga sapatos. At ilang sapatos na rin ang nagkanda wala wala niya dahil kapag walang choice, sa halip na magpaputok sya ay ibinabayo niya ng sapatos na de takong ang pesteng sanggano! Mata lang ang walang latay sa nanunulis niyang mga takong and for her it’s her deadly weapon.
Why is my future in laws here? Her heart skipped a beat and giggled inside.
Yun ang tanong niya sa sarili. Lihim syang humagikhik sa kaisipan na in laws ang turing niya sa mga magulang ni Royce samantalang iyon ay hindi maipinta ang mukha sa kanya. Paano ba naman kasi, patay na patay sya kay Royce talaga. At ang isang beses na yun na inabot sya ng kalokohan na hinalikan niya ang binata ay mas lalo pa syang tinamaan.
Masarap pala ang labi niya. Gusto ko pa.
At hindi sya makatulog sa first kiss niyang yun. Though inilapat lang naman niya ang labi niya ay libong boltahe ng kuryente ang dumapo sa katawan niya. And she told about it to her daddy over the phone, na okay lang naman kasi nasa tamang edad na naman daw sya sa pag-aasawa. Pero ang sabi ay wag daw niyang isusuko ang dapat sa lalaking walang kasiguraduhan, na kaya syang panagutan dahil puputulan daw ng daddy niya ng kaligayahan ang tao na yun. Umoo naman sya para tapos ang usapan.
"Hi Momsie Kei, Dadsie Lyeon!" bati niya sa mag-asawa nang makabawi siya sa pagkabigla.
She's wearing her Ms. Universe kind of smile, so captivating and sweet.
Kaagad syang lumapit sa mga ito kahit iisang sapatos ang suot niya para humalik sa dalawa.
"Hello iha, you look so gorgeous," bati ng Momsie Kei niya pagkatapos syang hagkan sa pisngi.
Isiniksik niya ang buhok sa tainga pagkatapos niyang tumayo ng tuwid.
"Di naman po Momsie, konti pa nga lang yan kasi haggard ako," itinago pa niya ang labi at pinakurap ang mga mata na parang blinking doll.
Nagkatinginan ang mag-asawa at nagkangitian. Malamang natatawa ang mga ito sa kanya saka sya lumapit sa Mommy at Daddy niya. Mas close sya sa Daddy niya kaya pagkatapos na bigyan yun ng halik ay yumakap pa sya at pinahawakan dito ang sapatos niya, pati na rin ang isa.
Hindi naman sa hindi sya close sa Mommy niya. Pag kalokohan kasi ang pag-usapan, Daddy ang takbo niya. Kapag seryoso naman ay sa Mommy niya. May pagka strikta kasi ang ina niya at ang Daddy naman niya ay pa easy easy lamang.
"Why are you here po? Ipakakasal niyo na po kami ni Destiny? Mamamanhikan na po kayo?" ngumisi sya at umulap ulap ang mga mata.
Destiny, ang ibig niyang sabihin ay si Royce. Destiny ang tawag niya sa binata. Pakiramdam niya ay iyon ang bigay sa kanya ng langit para anakan niya ng marami. She hates him at first kasi lagi syang tinatawag na tomboy pero nang makita niya ito isang beses, pagkauwi galing sa US noong fourteen na siya ay humanga na sya nang sobra sa kababata na paismid-ismid sa kanya at parang hindi sya kakilala. Natrigger tuloy syang akitin iyon pero parang daig pa ang pari sa pag-iwas sa magandang babaeng katulad niya.
Nawala ang pag-alala niya sa nakaraan nang maisip na baka nga may sadya ang mga future in laws niya sa kanya.
Her Dadsie Lyeon just shook his head and hid a smile.
Lukaret lang talaga syang tunay. Grabe ang tama niya sa lalaking yun na ubod ng snob sa kanya at malambing naman at kalog sa iba.
"M-May threat sya Sidney, iha," anang Momsie niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya at hinihilot ang mga daliri na nakapatong sa kandungan nito.
Parang tensyunado ito sa tingin niya pero ayaw ipahalata. Sino bang hindi matetensyon? May death threat ang pinakaiibig niyang si Royce.
Nagkatinginan naman ang mommy at daddy niya.
Walang kakaba-kabang binunot niya ang baril niya at ikinasa.
"Babarilin ko po kaagad! Walang pwdeng manakit sa future ama ng basketball team kong mga anak,” agarang sagot niya.
Napanganga ang Momsie niya at ang Mommy naman niya ay naitago ang mga labi para pigilin ang pagtawa.
Ang tanging nagpakawala ng tawa ay ang Daddy niya.
"Sige anak. Isama mo na ang bench sa basketball ha, para masaya. Dagdagan mo na rin ng referee at ng muse," anaman ng ama niya na hinimas pa ang ulo niya at hinalik halikan sya.
Ngumiti sya nang ubod ng ganda sa kaisipan na yun.
Nakita niyang naiiling lang ang Dadsie Lyeon niya sa kalokohan niya.
Saglit syang natulala. Kung may death threat si destiny niya, ibig sabihin ay nasa panganib iyon.
No! She held a grip on her gun. Hindi pwedeng mamatay ang lalaking pakakasalan niya sa lahat ng simbahan. Mamamatay muna sya bago makuha ng mga masamang loob ang kaisa isang lalaking itinatangi ng puso niyang bulag, pipi at bingi!
Bulag, pipi at bingi kasi ay in love na in love sya kahit na ba ang sungit sungit sa kanya at di naman sya pinapansin.
Well, ngayon ay mapapansin na sya dahil sya na ang magiging lady bodyguard ng destiny niya.
Iiwanan niya ang lahat ng trabaho para kay Royce. Ganoon niya kamahal ang lalaki na yun. Kidding aside, she's really into him at umaasa sya na mapapansin din sya ng binata. She found something special in him. Hindi kasi chickboy si Royce, unlike other Elizares. Gusto niya ng ganun at kapag nakikita niya sa TV ang rumored girlfriend ng destiny niya ay para syang pinipitpit sa kuko, masakit!
Mabait naman kasi si Royce, nakikita niya noong mga bata pa sila kaya lang ay ang tipo talaga nung mga babae ay yung mga mahihinhin na medyo bastos.
Eh sya, walang hinhin pero bastos! Pero mahal niya talaga yun at kaya wala syang seryosong boyfriend kahit twesya-seven na sya ay dahil hinihintay niya si Royce. Kaya lang baka mamaya at magkaugat na ang matris niya ay hindi pa sya napapansin ng lalaking yun. Sana naman this time ay mapasin na sya at mapalapit na sa kanya kapag prinotektahan niya.
"Pwede ka bang ihire iha na bodyguard niya?" parang nag-aalangan na tanong pa ng Dadsie niya sa kanya
"Oo naman Dadsie! Basta po para kay Destiny, saka po wala akong mission ngayon eh. Siya na muna ang mission ko kasi naiinip ako sa totoo lang. Gusto ko yung gyera lang parati," she grinned at tumaas baba pa ang kilay niya.
Napanganga si Keiko sa sinabi niya pero hindi niya pinansin. Manang mana siguro talaga siya sa ama niya, na kwento ng mommy niya ay nakikipagbakbakan ang mga ito habang ipinagbubuntis siya. That’s why when she became a toddler, instead of grabbing a doll inside the mall, she grabs a toy gun.
Perfect timing. Makakasama niya si Royce! Hindi pa man lang ay parang naiihi na sya sa kilig. Kilig to the bones ito! Yahoo! Yun ang iniisip niya. Wala ang isip niya sa panganib na nakaatang sa mga balikat niya na kung sakali na may problema na ay nasa isang hukay ang paa niya para maipagtanggol si Royce. Though she's aware that he's capable of defending himself, it's better to have a companion. Two heads are better than one ika nga. Two guns are better than one, she means.
It's me, my destiny! Im coming for you!