"Do you mind if I join you?"
Naputol ang pag-eemote ko nang marinig ko ang boses sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa nagsalita. Ay, si gwapo na naman.
"No." Kimi akong ngumiti sa kanya.
Bakit ko naman tatanggihan ang guwapong lalaking ito? I mean, palakaibugan at disenteng naman itong lumapit sa akin. Tapos mukha naman siyang mabait. Mukha ring matino. Alam kong hindi dapat ang mukha ng tao ang basehan ng tiwala pero ewan ko ba. Parang magaan na agad ang loob ko sa kanya. Tulad ko siguro ay wala rin siyang matawag na kasama ngayong gabi habang nag-eemote at inaalala ang nakaraan. Mabuti na nga ito at may makasama siya. Baka kung siya lang mag-isa ay hindi nito mapigilan ang emosyon at bigla na lang mag-swimming sa dagat tapos kinabukasan na lulutang.
Teka, teka. Napapalayo na yata ang utak ko. Ang gusto lang naman niya ay ang may makasama, hindi ba?
Tumingin ako sa kanya at nakitang inilagay niya sa mesa ang isang pack ng canned beer na dala nya.
"I’m Shin Carem Yamamoto," pagpapakilala nya sa akin.
Teka, parang narinig ko na ‘yung pangalan niya pero hindi ko maalala kung saan ko narinig. At sa sitwasyon ko ngayon, ayokong mag-isip.
"I’m Vanessa Orfiano but people here call me Val," pagpapakilala ko.
Inabot ko ang kamay niyang inilahad sa akin. Napasinghap ako nang 'di sinasadya.
Whew! Ang init niya.
Ng palad niya, I mean.
"Oh, but I'd prefer to call you Vanessa. It sounds better to me."
Tumingin siya sa palad naming magkadaop kaya agad kong binawi ang kamay ko. Napangiti naman siya at saka naupo sa tabi ko.
"Are you a photographer? I saw you taking pictutes awhile ago."
Nagbukas siya ng alak at iniabot sa akin pagkatapos niyang itanong iyon. Since ubos na ‘yung alak na nilalaklak ko kanina, tinanggap ko ito. Hindi naman siguro masamang makipag-inuman konti sa taong kakikilala mo pa lang, ‘di ba?
Isa pa, may mga crew naman ang resort na nakakakitang magkasama kami. ‘Yung iba pa nga ay kumukuha pa ng pictures namin kaya kung may mangyayari sa akin na masama pagkatapos naming mag-inuman, alam na nila kung sino ang ipapakulong nila.
"I’m a writer." Finally ay nasagot ko na ang tanong niya.
Nakangiti kong pinagmasdan ang paglagok niya sa alak na binuksan niya para sa kanya.
"Oh!"
Puro siya ‘oh’, infairness.
"How about you? Are you a model or a basketball player?" Hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang, oo. Kitang-kita naman iyon sa height niya.
"I have a small business."
Small? Sa itsura niya, baka iyong small na sinasabi niya ay international pa. ‘Di na ako nangulit pa tungkol dun.
"So where are you from?" muli kong tanong para may mapag-usapan kami.
"Japan."
Napakatipid niyang sumagot.
"Okay."
Tinipid ko na rin ang sagot ko. Mamaya masabihan pa ako na madaldal ako.
"I’m here for a vacation. Nakakasawa rin sa Japan."
Napansin niya marahil na nawalan ako ng gana kaya muli siyang nagsalita.
"Wow! Filipino ka pala!"
Natuwa naman ako nang mag-Tagalog siya. Akala ko ay mauubos ko ngayong gabi ang lahat ng English words na baon ko, eh.
"Half. My mom is from La Union. Nurse siya sa Japan. And you know what happened next." Tumawa siya nang mahina pero sa hina ng tawa niya feeling ko pa rin ay nabingi ako. Muntik pa akong mapanganga habang pinapanuod ang pagtawa niya. Grabe, mas may igu-guwapo pa pala ang nilalang na ito.
"How about you? Taga saan ka?" nakangiti siyang bumaling sa akin.
"Taga-rito na ako sa San Sebastian. Doon kami sa Baranggay Dos. Taga-La Union din ang mother ko. Sa Balaoan naman siya."
Nangislap ang mga mata niya. Marahil ay natuwa siya na mayroon kaming connection kahit papano.
"My mom is from Luna. Hindi ba at magkatabi lang ang two towns na iyon?"
Tumango ako sa kanya.
"Um, do you wanna go somewhere else?" tanong niya pagkaraan ng saglit naming pananahimik.
"Saan naman?" Uminom ako sa lata ng beer na tangan ko pagkatapos kong magtanong.
"I heard okay ‘yung bar ng resort. How about checking it out with me?" Nakaeengganyo ang ngiti niya kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango.
"Great! Let's go."
Ilang saglit pa ay naglalakad na kami papunta sa bar ng resort.
Napangiti ako nang maramdaman ko ang kamay niya na umaalalay sa likuran ko nang papasok na kami sa bar. Uso pa pala ang pagiging gentleman sa panahon ngayon. Nilingon ko siya at nginitian. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Hindi ko tuloy napigilang hindi kiligin sa pamatay na ngiti niya. Jusko Lord, ang guwapo talaga ng nilalang na ito.
Sumenyas siya sa waiter nang mamataan niya ito. Lumapit naman agad ang lalaki sa amin at saglit silang nag-usap habang inililibot ko ang paningin sa paligid. Maraming tao kaya siksikan sa loob ng club.
"Let's follow him. May vacant table pa raw." Kinambatan niya ako para sundan na namin ang waiter na magdadala sa amin sa bakanteng mesa kung saan kami mauupo.
Alalay pa rin ang aking likuran ay naglakad na kami.
Nang makita niyang may mga bumabangga na sa akin sa dami ng tao ay agad niya akong inakbayan at hinapit papunta sa katawan niya. Alam ko na pino-protektahan niya lang ako pero ‘di ko maiwasang hindi makadama ng kakaiba. Kinikilig yata ako dahil bumilis ang t***k ng puso ko.
Maraming kababaihan kaming nadaanan na napapatulala sa kanya. Bumaling din sa akin ang mga naiinggit nilang mga tingin. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin dahil mas naagaw ng pansin ko ang biglang pag-iinit ng katawan ko dahil sa pagkakaakbay niya sa akin. Infairness, sobrang bango niya na parang may humihila sa akin para yakapin siya. Ikinuyom ko ang aking mga kamay para hindi ko gawin iyon sa kanya.
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa isang bakanteng puwesto.
"What will you drink?" tanong niya sa akin nang makaupo na kaming dalawa.
"Bahala ka na."
Ngumiti siya sa naging kasagutan ko bago niya kinausap ang waiter na naghihintay sa tabi ng aming mesa.
Nanood naman ako mga sumasayaw sa dance floor habang abala siya sa pakikipag-usap sa waiter. I admit. Hindi ko naranasan ‘yung magsayaw na tila wala ng bukas noong dalaga pa ako dahil nga sa maaga kong pag-aasawa.
Napatingin ako sa kanya nang marinig kong nagsalita siya pero dahil sa ingay nga ng paligid ay ‘di ko naman naintindihan ‘yung sinabi nya.
"Sorry. You said what?" malakas ang boses kong tanong para makasabay sa ingay ng lugar.
Napailing naman siya pagkatapos ay lumipat na siya sa tabi ko para magkarinigan kami.
"Would you like to dance?"
Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Humaplos tuloy dito ang mainit niyang hininga.
"Ah! Sige mamaya na kapag konti na lang ang tao sa dance floor. Baka makaapak pa ako ng paa ng mga nagsasayaw," pagbibiro ko na ikinangiti niya.
Napatingin kami sa waiter nang ilapag nito ang isang baso ng Tequilla Sunrise sa harap ko at tatlong bote ng beer sa harap ni Shin.
Nagkuwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ng kung anu-ano. Pinag-compare namin ang Pilipinas sa Japan pati ang mga Pilipino sa mga Hapon. Nakatatlong order na rin ako ng alak nang muli niyang ulitin ang pag-aaya para sumayaw kami. Dahil medyo may tama na ng alak ang sistema ko ay nawala na ang pangingiming nararamdaman ko kanina. Malakas na ang loob kong magpakitang-gilas ng dance moves ko kaya naman tumango ako sa kanya. Agad naman niyang inilahad ang kamay niya.
Nang nasa dance floor na kami ay siya pa mismo ang nagtaas sa mga kamay ko papatong sa balikat niya saka niya hinapit ang katawan ko papalapit sa katawan niya dahil biglang naging slow rock ang tugtog sa bar. Slowly he swayed to the rhythm of the music. Hinayaan ko siyang dalhin ang pagsasayaw namin dahil abala ako sa pagtitig sa kanyang mukha habang iniisip ko kung gaano kasuwerte ang kanyang mga magulang sa pagkakaroon ng mukhang artistang anak. Siguro ay ayaw lang nitong aminin sa akin pero artista marahil ito o hindi kaya ay modelo. Mas bagay rito kesa sa pagiging businessman.
"Guwapo ba?" pagbibiro nIya nang mapansin ang ginagawa kong pagtitig sa kanya.
Napahiya man ay natawa ako sa biro niya.
"Sobra," ngisi ko. Aba, marunong din akong magbiro ng may konting kalandian.
"Well, you can have this handsome face crawling under you if you would say yes."
Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin nang sabihin niya iyon.
"Yes to what?" namamaos kong tanong. Parang nahilo ako bigla dahil sa sinabi niyang gagapang siya sa ilalim ko.
Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa namumula at mapipintog niyang mga labi.
"Will you be my girlfriend just for a time?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Just for a time? Bakit hindi na lang forever? Pero teka, bakit ba kami napunta sa girlfriend-girlfriend na iyan?
"Nagbibiro ka ba? Lakas ng trip mo, ha?" Pinilit kong alisin ang awkwardness sa boses ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"C'mon, Vanessa. This is an experience you can write in your book. As for me, I want a girlfriend while having a vacation in this beautiful place. I'd enjoy it more if I have company."
Nanunuyo ang boses niyang sabi. Nanunuksong tanggapin ko ang proposal niya.
"Don't worry, I'm a good lover. I can assure you that," dugtong niya dahil hindi ko pa siya sinasagot.
Titig na titig siya sa mukha ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Mas lalo akong nahilo dahil sa huling sinabi niya.
"P-pero bakit ako pa? Marami namang babae dyan. ‘Yung magaganda. “Yung mga kaedad mo," pagrarason ko sa kanya. Obvious naman na mas bata siya sa akin.
"Sa’yo ako interestedo, hindi sa kanila."
Natawa ako sa pagta-trying hard niyang mag-Tagalog. Nawala ang pagka-concious sa sinabi nya.
"Hanggang kailan?" pagkuwa'y tanong ko. Parang bigla akong na-challenge. Parang gusto kong patulan ang offer niya. Saan ba nanggagaling itong pakiramdam na ito?
"Hanggang matapos ang bakasyon ko. More or less a month."
Natigilan ako at saka seryosong tumitig sa kanya. Mukhang seryoso talaga siya sa offer niya.
Isang on the spot relationship. Walang nang ligawan. Wala nang getting to know each other.
"So?" waring naiinip na tanong niya.
"I-i... don't know," biglang nalilito na sagot ko.
Jusmiyo. Ano ba itong napasok ko?
"Let me help you decide."
Hinapit niya ako at ang sumunod na nangyari ay magkadikit na ang mga labi namin.