MABILIS na binawi ni Anika ang kamay mula sa pagkakahawak ni Patrick at humakbang siya palayo rito. Alam niya na wala naman siyang dapat itago kasi wala naman siyang ginagawang masama. Pero may bumara sa lalamunan niya habang nakatingin siya sa mukha ni Trick. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga emosyong ‘yon sa mga mata nito. Akala niya hindi na niya makikita uli ang mga ‘yon. “Nagkasalubong lang kami at nag-usap sandali. We are friends afterall,” sagot ni Patrick. Umangat ang mga kilay ni Trick at mariing tumikom ang bibig. Sinulyapan niya si Patrick. “Sige, babalik na ako sa opisina.” Tumango ang lalaki. “Kailangan ko na sumunod sa lunch meeting ko.” Tinapik nito ang braso niya saka naglakad papunta sa elevator. Sinundan niya ng tingin hanggang makasakay ito roon at sumara ang