CHAPTER 19

1222 Words

PAGKALIPAS ng halos dalawang oras nakabalik na si Anika, bitbit ang bag na dala rin niya noong nagpunta siya sa maynila. Sa loob ‘non ay ilang pirasong damit. Kung matatagalan man siya roon at kulangin, meron pa naman siyang mga damit sa bahay nila sa isla. Bago siya makalabas sa mansiyon ng mga Alfonso kanina, nakita siya ng Mama ni Trick. Halatang nagulat ito na may dala siyang bag pero hindi nagtanong. Tiningnan lang siya nito saka tumalikod at naglakad palayo. Pagpasok niya sa opisina nakita niyang nakabukas ang pinto ng private office ni Trick. May kausap na naman ito sa cellphone, parang nagbibilin ng trabaho. Humakbang siya palapit at napasulyap ito sa kaniya. Huminga siya ng malalim at itinaas ang bag na dala niya para ipakita ritong nakapag-empake na siya. Tumango ito, mabilis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD