Thir Person's POV Inilinga ni Grey ang mga mata sa paligid, hinahanap niyon ang kanyang mga kaibigan ngunit, ni anino ng mga ito ay hindi niya makita. "Where the hell are they?" tanong niya sa kanyang sarili. Naglakad-lakad pa siya at sa wakas ay nakita niya rin ang mga ito na nakatambay sa ilalim ng puno ng mangga. Kumakain ang mga ito ng balot na hindi niya alam kung saan nila nakuha, marahil may dumaang nagtitinda niyon at bumili ang mga ito. "Hey, guys, he's back!" bulalas ni Jigs ng sa pagbaling ng kanyang mga mata sa direksyon ng kalsada ay masilayan ang papalapit na si Grey. Sabay na napalingon si Lawrence at Carl, tamang tapos na ang mga ito kumain. Kahit na anak mayaman ang mga ito ay mahilig sila sa exotic food kaya naman wala lang sa kanila ang pagkain ng sisiw sa balot.