Third Person's POV "Mukhang maganda ang gising mo ngayon, anak, ah." Kanina pa pinagmamasdan ni Aling Linda ang anak na si Zaida. Ilang araw na niyang napapansin na parang lagi itong wala sa kanyang sarili. Ngumingiti ng walang dahilan kaya napapaisip siya kung ano ba talaga ang nangyayari rito? Para namang natauhan si Zaida sa tanong na iyon ng kanyang ina at agad bumalik sa kanyang wisyo. Inayos ang kanyang upo at ipinagpatuloy na muli ang pagkain. "Ikaw ba anak ay may nobyo na? Sabihin mo nga sa akin kung meron na at nang makilala naman namin ng iyong ama ang masuwerteng lalake na 'yan." Sunod-sunod ang naging pag iling ni Zaida. "Naku po, Inay! Saan niyo naman nakuha ang balitang 'yan?" tarantang tanong niya sa ina. Pinakatitigan siya ng husto nito. "Wala naman, napapansin