Third Person’s POV Nakabalik na ng Paris si Dane dahil may importante itong bagay na aayusin doon na may kinalaman sa kanyang trabaho. Araw ng linggo. Umuwi si Zaida ng Cavite para dalawin ang anak. Masaya silang nanunuod ng telebisyon sa kanilang living area, pambatang palabas na paborito ni Yanis. Sa telebisyon lang ang atensiyon ng bata habang si Zaida, Aling Linda at Mang Nestor ay sinasabayan din ang bata sa gusto nito na may halong konting kwentuhan.Napahinto si Yanis at lumapit sa malaking telebisyon nang bigla na lang sumingit sa kanyang pinapanood ang isang commercial. Ito ang bagong shampoo commercial ni Lindsey at sa nasabing commercial na iyon ay kasama na niya si Grey dahil mayroon naring inilabas na panlalaking shampoo ang ini-endorso nito at si Grey nga ang kinuha nilan