Grey's POV
Katulad nang napag-usapan. Maaga pa lang ay nasa condo ko na ang aking mga kaibigan. Naunang sunduin ni Lawrence si Jigs, sumunod naman si Carl at ako ang panghuli.
Sakay ng SUV na pag-aari ni Lawrence na siya rin ang nagda-drive ay bumiyahe kami ng halos labing dalawang oras. Wala kaming ginawa sa sasakyan kung hindi ang magkulitan, kapag may nadaraanan kaming drive thru ay umo-order kami ng makakain. Minsan naman ay humihinto kami sa isang lugar na walang tao para mag unat ng katawan, nakakapagod din ang maghapong pag-upo sa sasakyan, every three hours ay nagpapalitan naman kami sa pagda-drive.
Six thirty in the evening when Carl parked the car in front of a little house made of wood. I don't know what kind of place we are right now. This is a remote province that is far from civilization. The light that serves the whole place comes from the Solar Panel, kaya naman limitado lang ang kuryente na kailangang ikonsumo ng bawat mamamayang naninirahan dito.
"Nakaayos na po ang inyong hihigaan, may malilinis na kumot at unan na rin diyan, Sir Carl," ang sabi ni Aling Martha.
Si Aling Martha ay dating kasambahay nila Carl na dito naninirahan.
Ayon kay Aling Martha ay may mangilan-ngilan din daw na mga turista ang nagagawi rito, dinarayo ang napakagandang hidden falls pati na ang Mabato Cave na may nakamamanghang rock formation sa loob na nabuo mula sa stalagmites and I'm so excited to explore that beautiful sceneries tomorrow.
"Maraming salamat, Aling Marta, dalawang araw lang naman po kami rito," ang sabi ni Carl.
Sabay-sabay kaming nagsipag pasukan sa maliit na bahay at dahil pare-pareho kaming matatangkad ay nag-mistulang bahay-bahayan ang kubong ito para sa amin.
Sa kabuuan ay malinis naman ito walang gaanong gamit bukod sa dalawang foam na nakalatag sa sahig na nababalutan ng bulaklaking sapin at apat na naglalakihang unan na nasa ibabaw niyon. May lumang electric fan na binuksan ni Aling Marta nang makapasok na kami. Malamig naman sa lugar, kahit sanay kaming lahat sa aircon dahil anak mayaman ang mga kaibigan ko, sa tingin ko naman ay magiging masarap at komportable ang tulog namin dito.
This is new to us. Mahilig kami sa adventure pero madalas out of the country. First time naming mag adventure trip dito sa Pilipinas. Hindi dahil sa hindi namin gusto, napakaraming magagandang lugar dito. Mahirap lang kasi sa sitwasyon ko bilang isa akong sikat na artista, limitado lang ang mga lugar na napu-puntahan ko na hindi ako dinudumog ng mga tao. Iyon ang ayaw ng aking mga kaibigan, they are a private person and dealing with celebrity made them sick. Kung hindi lang kami magka-kaibigan simula ng grade schoolers palang kami ay tinalikuran na ako ng mga ito dahil sa mga paparazzi na sunod nang sunod sa akin nadadamay din sila. Ang mga mukha nila ay lumalabas din sa mga social media because of me.
"Wala tayong ibang magagawa rito, walang wifi, wala ring signal," ang sabi ni Jigs na pumuwesto na nang higa sa isang kutson, hawak ang kanyang mamahaling cellphone.
"Bakit hindi natin pag-usapan ang dare ni Grey? Kailangan na niyang malaman ngayon para bukas ng gabi ay magawa na niya," suhestiyon ni Lawrence.
"That's right, kaya nga pala tayo narito is because of that dare," sang-ayon naman ni Carl.
Lahat kami ay nakasalampak sa kutson ngayon maliban kay Jigs na nakahiga na.
"Ano ba kasing dare 'yan? Sabihin niyo na para matapos na, hindi iyong pinag-iisip niyo
pa'ko," may halong inis na sabi ko, ito naman kasing mga kaibigan ko pa-suspense pa.
"Well, ito ang napagkasunduan naming ipagawa sa'yo." Tumigil muna sa pagsasalita itong si Carl, bumaling nang tingin sa akin at ngumisi na para bang nakakaloko.
"Spill it!" asar na sabi ko.
Ang sarap lang sapakin ng isang ito, basta talaga kalokohan siya ang pasimuno.
"Bukas ng gabi kailangan mong gawin ang iyong task at ___." putol na naman nito sa sana'y sasabihin.
"Jigs, ikaw na nga ang magsabi, bibigwasan ko na talaga itong si Carl, eh!" Napahilamos na ako ng mukha sa sobrang inis dito.
"Ha...ha...ha...!" Sabay-sabay na tawa ng tatlo.
"Mga sira ulo talaga kayo, pinagkakaisahan n'yo ako, ah!" asik ko sa mga ito.
"Dude, sobrang exciting ang dare na 'to, I swear magugustuhan mo," tuwang-tuwang sabi ni Lawrence.
"Sabihin n' yo na kasi hindi 'yong puro kayo pabitin," mahinahong sabi ko, ayoko ng magpadala sa inis, nakaka pangit 'yon. Chill lang. Kapag ipinakita ko sa mga ito na napipikon na ako ay lalo lang akong aasarin ng mga gunggong. Kilalang-kilala ko na ang likaw ng mga bituka ng tatlong itlog na'to.
"Okay, seryoso na tayo," ang sabi ni Lawrence na ikinatahimik naming lahat. "Ang dare na ipagagawa namin sa'yo, Mr. Superstar dahil kilala ka naman bilang sikat na artista at hindi matatawaran ang lakas ng karisma mo pagdating sa mga babae..." Pinutol nito ang sasabihin.
Napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nitong si Lawrence. Hindi ko alam kung pinupuri ba ako nito o inuuto lang. Ano naman kayang kinalaman ng mga pinagsasabi niya sa dare na ipagagawa nila sa akin?
"Tol, ikaw na nga ang magpaliwanag," baling ni Lawrence kay Jigs at hinampas pa ito sa tuhod.
"Bakit ako?" bulalas na tanong nito.
"Ako na nga," boluntaryo ni Carl.
"Makinig kang mabuti, bro," anito.
Bumaling sa akin si Carl na seryoso ang mukha.
"Ang dare mo ay makipag make out sa promdi girl na unang masisilayan ng iyong mga mata bukas ng gabi."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Make out! Promdi girl? That's bullsh*t!" I can't help but burst out. Sira ulo ba itong mga kaibigan ko?
"Alam niyo naman kung gaano ako kaselan pagdating sa mga babae? You want me to almost have s*x with the girl that I didn't even know, that's ridiculous! Paano kung matanda ang unang makita ng mga mata ko? Makikipag make out ako sa matanda gano'n ba? Iba nalang ang ipagawa n'yo sa akin, kahit iwanan niyo na lang ako sa Mabato Cave ng magdamag huwag lang 'yan," mariing tanggi ko.
"Then, magdasal ka na hindi sana matanda ang unang masilayan ng mga mata mo bukas ng umaga."
"Paano kung hindi ko gawin ang dare?"
"You have to pay fifty thousand pesos for each of us."
"What? That's too much!" reklamo ko.
"It's your penalty, ginawa naming lahat ang dare, lugi naman kami do'n."
Napaisip ako, tama naman si Jigs, ginawa nilang lahat ang dare, kung hindi ko gagawin dapat talaga akong mag bayad ng penalty.
"Wala bang tawad? Ang laki ng one hundred fifty thousand," I said trying to get a sympathy from them.
"Nalalakihan ka pala, eh! Kung ako sa'yo gagawin ko na lang ang challenge," ang sabi ni Carl.
"But, I'm not you!" singhal ko dito.
"Gawin mo na kasi, para wala na tayong pag uusapan, ang po-problemahin mo na lang ay kung anong diskarte ang gagawin mo para maisakatuparan mo ang dare namin sa'yo," pamimilit na sabi ni Lawrence.
"Ah, ewan ko sa inyo mga sira ulo talaga kayo!" inis na sabi ko.
Humiga ako sa isang bakanteng kutson at tumalikod ako ng posisyon para hindi ko makita ang nakakabwisit na hitsura ng mga ito.