Third Person's POV "Hindi ka ba uuwi sa probinsya natin ngayong pasko?" tanong ni Wendy kay Zaida ng isang araw ay magpanagpo rin sila. Sa sobrang busy nilang pareho sa kani-kanilang mga trabaho ay halos hindi na sila magpang abot sa bahay. Ito ang unang pagkakataon na nagkasabay sila sa hapunan simula ng maging stylist na ni Grey si Zaida. Hindi agad siya nakasagot sa tanong na iyon ng kanyang pinsan. Wala pa siyang sapat na ipon para makauwi at isa pa kapag umuwi siya ang gusto niya ay marami siyang pasalubong sa kanyang mga magulang, ilang buwan palang naman siyang narito sa Maynila. "Ikaw, uuwi ka ba sa'tin?" balik tanong niya rito. Inalis nito ang tingin sa pagkain at ibinaling sa kanya. "Hmm! Sa bagong taon na ako uuwi, inimbitahan ako ni Trey, sa kanila raw muna ako mag Christ