Third Person's POV Hindi alam ni Zaida kung paanong nangyari na hindi naging issue o pinag-usapan man lang ang pagtakas ni Grey sa shooting. Nagpatuloy ang paggawa ng pelikula na ilang buwan din nilang tatapusin. Kahit minsan ay magdamagan nakasanayan narin ng dalaga. Ng araw na iyon ay mainit ang ulo ni Mindy, hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya ay may itinatagong girlfriend itong si Grey, wala naman siyang nakikita at wala naman siyang napapatunayan. Ewan nga ba niya, para kasing umiiral ang girl instinct niya. Iba kasi ang mga ikinikilos ng binata na para bang lutang ang utak nito at nasa ibang lugar ang pag iisip. Ang tagal-tagal na niyang sinusuyo ito ngunit hanggang ngayon ay wala pang nagiging magandang resulta at halos ipagdikdikan na niya ang sarili dito. Grey always rej