Third Person's POV "Pakiusap, puwede bang 'wag kang malikot paano ko maayos ang suot mo?" reklamo ni Zaida, habang binibihisan kasi niya si Grey ay panay ang yakap at halik nito sa kaniya. "Sorry!" paumanhin nito at dumiretso na nang tayo. Gray muscle hoodie na pinatungan ng faded denim jacket, denim pants at white sneakers ang ipinasuot ni Zaida rito. Sa accessories naman ay naka relo ito na Tag Heuer Connected Modular 45 at maliit na diamond earings sa magkabilang tainga, suot na niya ito nang dumating sa studio at bagay naman sa outfit kaya hindi na pinahubad pa ni Zaida. Sa kabuan ay lalo itong naging bata. Napakaguwapo nito at ang bango-bangong tingnan. Hindi mapigilan ni Zaida na humanga ng husto sa lalaking kaharap. "Ayan, okay na," aniya matapos ayusin ang kuwelyo ng suot nito