Third Person's POV "Alam mo, Ate Zaida parang may napansin akong nagbago sa'yo, parang mas lumaki ang dibdib mo ngayon kaysa dati. May ginagawa ka bang exercise para lumaki ng ganyan 'yan? Nahiya tuloy ako sa boobs ko," sabi ni Wendy sa pinsan. Isang umaga iyon na naghahanda na sila para sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. Kapag nasa bahay lang ay hindi naman nag ba-bra ang dalawa kaya naman napansin kaagad ni Wendy ang pagbabago sa katawan ng kanyang Ate Zaida. Twenty six na si Wendy at eight years ang tanda ni Zaida sa kanyang pinsan ngunit sa kanilang dalawa ay mas matured ito at mas maraming nalalaman sa buhay kumpara sa kanya. "Wala naman akong ginagawang exercise," sagot naman ni Zaida dito bitbit ang kanyang tuwalya at dumiretso na ng banyo. Habang naliligo ay napansin ng