Third Person's POV Halos umabot na ng madaling araw ang shooting kaya naman hindi na hinintay nila Zaida na matapos pa iyon. Nang mabihisan niya si Grey para sa huling scene nito ay nagpaalam na sila kay Ms. Grace. "Zaida, may mall tour si Grey bukas. Kailangan 1PM nasa KT Entertainment kana, 4PM ang mall show at may press conference rin sila ni Mindy ng 7Pm. Be sure na magdala ka ng mga option na damit para may pagpipilian si Grey," bilin ni Ms.Grace bago sila makaalis. "Sige Ms.Grace darating ako sa oras at magdadala rin ako ng iba pang damit," paninigurong sabi niya dito. Habang sila ay nasa sasakayan ay hindi mapakali si Leny. "May girlfriend ba si Grey ngayon?" tanong nito kay Zaida mula sa kawalan. "Huh! Ewan hindi ko alam," mabilis na sagot niya, wala naman talaga siyang alam