Third Person's POV "Wow! Ang ganda naman ng kwintas mo. Sa'n galing 'yan?" tanong ni Leny nang mapansin nito ang kwintas ni Zaida ng sa pagyuko nito para pulutin ang nalalag niyang suklay ay lumabas ang kwintas na lagi naman niyang suot ngunit itinatago niya sa ilalim ng kanyang damit. " Ah, ito? Bigay lang sa'kin."Kunwari ay balewalang sabi niya at pasimpleng ipinasok uli ang kwintas sa ilalim ng kanyang blusa. "Sino naman ang nagbigay niyan sa'yo? Mukhang mamahalin, ah," anito na para bang interesado talagang malaman kung sino ang misteryosong tao na nagbigay kay Zaida ng mamahaling kwintas na iyon. "Galing ito sa kaibigan kong nagtatrabaho sa abroad, ipinadala niya sa'kin bilang regalo noong pasko." Napilitan na siyang sagutin ito para hindi na muli pang magtanong at kulitin siya d