Third Person's POV Nagising ang dalawa sa tunog na nanggagaling mula sa cellphone. Alas otso 'y medya na nakasaad doon. Napipilitang kinuha ni Grey sa side table ang gudget at pinatay ang alarm niyon. Agad nang bumangon si Zaida at umalis sa pagkakayakap ni Grey. "Hmm! Let's just stay for fifteen minutes more," hirit nito na ayaw pa ring bumangon. "Pwede ka parin namang matulog, pero ako kailangan ko nang bumalik sa dressing room mo. Baka magtaka na si Ms. Grace kapag nakita niyang wala ako do'n." Inayos niya ang nagusot na damit at inumpisahan na sana ang maglakad. Ngunit, hindi pa man siya nakakahakbang ay nahatak na ni Grey ang kamay niya kaya naman na out of balance siya at bumagsak sa kama. Sinalo siya ng matitipunong didib ng binata. Nagulat si Zaida sa hindi inaasahang pangyayari