Third Person's POV "Hindi mo pa nararanasan ang makapanood ng shooting diba?" tanong ni Grace kay Zaida nang mapansin niyang nanahimik lang ang dalaga sa isang sulok samantalang lahat ng alalay ni Mindy ay nagsipag sunuran sa amo nila para panoorin ito. "Ah, hindi pa nga," alanganing sagot niya dito. "Kung gano'n sumama ka sa akin para makita mo kung gaano ka galing umarte ang alaga ko," may halong pagmamalaki sa tono ng boses nito. Wala namang balak na manood si Zaida ng shooting kaya lang hindi na siya nakatanggi nang pilit siyang hatakin nitong si Grace. Lumabas sila ng tent at pumasok sa loob ng villa. Sa dining ang location kung saan kunwari ay nag aalmusal si Grey at pinagsisilbihan naman ito ng personal maid niyang si Mindy. In character ang dalawa, tahimik ang lahat ng staff