Third Person's POV "Where are we?" tanong ni Zaida kay Grey nang gisingin s'ya nito at makita niyang nasa hindi sila pamilyar na lugar. Nakatulog siya sa biyahe at namalayan nalang niya na narito na pala sila sa kanilang destinasyon. "We're here in Alphaland Baguio City," sagot naman nito na inumpisahan nang buksan ang pinto ng kanyang kotse upang makalabas. Nakaramdam ng matinding lamig si Zaida nang pumasok ang hangin sa loob ng sasakyan, triple ang lamig na dulot nito kumpara sa aircon ng sasakyan ni Grey. Napilitan narin siyang lumabas, wala na naman siyang choice kung hindi ang sumunod sa binata. "What are we doing here?" Inilibot niya ang mga mata sa paligid, alas dos na ng madaling araw at sa mga oras na ito ay wala ng gising. Madilim na sa lugar kaya wala rin naman siyang gaano