Third Person's POV "Ms. Zai, narito na si Ms. Lindsey." Awtomatikong napaangat ang ulo ni Zaida ng marinig nito ang balita ng kanyang sekretarya. "Let her in, Carol," utos niya rito na agad namang tumalima, wala pang tatlong minuto ay tumambad sa kanyang harapan ang maganda at matangkad na modelo. Porselana ang kutis nito, mukhang siyang manika at natural na asul ang kulay ng kanyang mga mata. "It was nice to meet you, Ms. Zai," bungad nito sa kanya na may magandang ngiti. "Same, please have seat," aniya sabay turo ng swivel chair na nasa harapan lang niya. "I'm sorry if I just showed up now. I have to finish some of my commitments before the Gala." "It's okay, what more important is you informed us ahead of time." "Thank you so much, Ms. Zai. It's such an honor for me working wi