MIRROR SKY “Where do you want to go?” Agad na nagtama ang tingin namin ni Blue sa rearview mirror nang itanong ko iyon. I was driving again. I was able to calm him kanina dahil sa pangako kong hahanapin ang kanyang ina. He looked so expectant that I could only assure him na ganoon nga ang gagawin. I couldn’t let him down so one of these days mukhang iyon nga ang gagawin ko. Nagmamaneho na akong muli at si Blue naman ay tahimik na nakaupo lang sa backseat. Naiwan na kami ng Benz dahil sa pagtigil kanina pero it doesn’t really matter. After what happened earlier, parang nawalan na rin ako ng gana magpatuloy pa sa dinner namin. And if my hunch is right, kasama pa namin sa hapunang iyon si George. Mas lalo lamang akong nawalan ng gana. Kaya ngayon ay tinatanong ko na lang si Blue sa