CHAPTER FOUR

1465 Words
Naabutan niya ito sa labas ng elevator. Agad niya itong niyakap mula sa likod at pilit na iniharap sa kaniya. Umiiyak ito at nagpupumiglas pero lalo niyang hinigpitan ang yakap. "Bitawan mo ako! I hate you! I hate you!" tungayaw nito. "Please, listen to me, Ysa. I'm sorry, honey. I l-lied. Nagkaroon kami ng relasyon ni Nika pero pinutol ko na iyon nang makilala kita. She's just don't want to accept na wala na ka—" Naputol ang paliwanag nito nang malakas siya nitong sampalin sa mukha. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. "Niloko mo ako! Nagsinungaling ka sa akin, Ryan. Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin. I trusted you with all my heart, Ryan. Alam mo iyan!" Parang patalim na sumusugat sa puso niya ang mga salitang iyon habang binibigkas nito. He was guilty. "I'm so—" "Hindi ko lubos akalain na kaya mong traydorin ang mismong kambal mo. How could you so cruel, Ryan?" "I know I was an asshole, a jerk, but please, hear me out, honey." He pleaded, reaching for her face. Pero marahas nitong tinabig ang kamay niya. "Don't!" she growled. "And do not call me 'honey' ever again, Ryan. Because I will never be your woman anymore." "Y-Ysabelle," "Mula ngayon, wala ng 'tayo', Ryan. There will be no  wedding at all. Let's break up." Matigas ang anyo nito at galit na tumitig sa kaniyang mga mata. "No, honey. You can not do—" "Good bye, Ryan." Animo kandilang nauupos si Ryan ng mga sandaling iyon. Hindi alam kung paano pipigilan si Ysabelle. Sinamantala naman ng dalaga iyon, mabilis na kinalas ang mga braso ni Ryan na nakayakap sa baywang at mabilis na pumasok sa bumukas na lift. Bago pa makasunod ang binata'y nagsara na ang pinto ng elevator. Napapikit si Ysabelle nang mariin at pilit pinigil ang mga luhang gusto na namang umagos sa mga mata. Gusto na makauwi sa apartment at doon umiyak. Ayaw ni Ysabelle na pagtsismisan sa Glamour. "YSA! YSA" MALAKAS na boses at kalampag mula sa labas ng kuwarto niya ang bumulabog sa kaniyang pagtulog. Hindi alam kung anong oras siya nakatulog kagabi. Wala siyang inatupag magdamag kundi ang indahin ang sakit na nararamdaman, ang gunitain ang masasayang araw na kasama si Ryan at ang panloloko nito sa kaniya. Tulad kahapon, nang araw na maabUtan ang eksena nina Nika at Ryan sa loob ng opisina ng huli, mugto na naman ang mga mata niya ngayon. "Ysa, gising! Buksan mo ang pinto. May emergency!" sigaw ni Rina sabay kalampag ulit sa pinto. Emergency? Pagkarinig noon ay agad siyang bumalikwas ng bangon at bumaba sa kama. Biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang mapagbuksan ang namumutlang kaibigan. Nagtatanong ang mga matang dumako ang paningin niya sa hawak nitong newspaper. Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon mula kay Rina. Buisnessman still missing; SUV Found in Andes River "Ysa, s-si Ryan." Nanginginig na panimula ni Dina. "Naaksidente siya kagabi. Naiahon na ng mga diver ang kotse niya, pero hindi siya nahanap." She stiffened. Parang sinaksak siya sa dibdib dahil sa balita. Hindi niya makuha ang sariling tinig. She was shocked, hurt, and scared. "Batay sa imbistigasyon, wala raw problema sa sasakyan nito. Hinala ng mga pulis ay suicide ang dahilan ng aksidente. Ysa," tawag nito, sabay yugyog sa balikat niya. "You think, nagpakamatay si Ryan dahil hindi na matutuloy ang kasal ninyo? Iyon kasi ang lumalabas sa imbistigasyon, e." Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol.  Agad naman siyang niyakap at inalo ni Dina. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa sinapit ni Ryan. Kasalanan niya ang nangyari dito. Oo at niloko siya nito pero hindi niya man lang ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Ilang beses itong nagmakaawa sa kaniya na pagusapan nila at ayusin ang relasyon pero nagmatigas siya. Alam niyang labis itong nasaktan sa pakikipagkalas niya rito at sa pag-urong sa kanilang kasal. Malamang ito nga ang dahilan ng pagkaaksidente ng dating nobyo. Marahil nagpakamatay nga ito dahil sa kaniya. Guilt strucked her straight in the heart. Conscience squeezing her tightly on the neck. "HINDI KO KAYANG tanggapin, Edmund. Hindi patay si Ryan." Donya Elvira said, sobbing on her husband's shoulder. It's already one month since the accident happened but still Ryan haven't found. "Elvira, ako man din ay ayaw maniwalang wala na ang isang anak natin, pero kailangan na nating bigyan ng katahimikan ang—" "He's not dead, Edmund! Hanggang hindi natin nakikita ang bangkay niya, hindi ako maniniwalang patay na ang anak ko!" histerya ng donya. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang tanggapin na wala na ang isa sa kambal na anak. Parang nawawala na ito sa sariling pag-iisip dahil sa nangyari kay Ryan. Matindi ang shock at depresyong tinamo ng matandang babae. Dalawang ulit na rin itong isinugod sa ospital dahil sa pagtaas ng blood pressure nito. Takot ang Don na baka sa ikatlong pagsugod nito sa ospital ay mas malala na ang sapitin ng asawa, kaya minabuti na lang na manatili muna si Elvira sa loob ng ospital para ma-monitor 'lagi ng doktor ang kalagayan nito. "Ma—" A man in denim pants and black T-shirt walked in the woman's ward. "Ryan?!" Akmang babangon ang donya pero mabilis na pinigilan ng asawa. Takot na baka mahilo itong muli at mawalan ng malay. Biglang kumulimlim ang kanina'y maaliwalas na mukha ng binata. Bumagsak ang balikat nito at dahan-dahang lumapit sa kama ng ina. "Sabi ko na nga ba't buhay ka, anak. Buhay ka..." Umiiyak na dumipa ito para i-welcome ng yakap ang binata. "It's Ryder, Mom." Pagtatama ni Ryder. He felt pain. Hurt again. How could a mother get confused to identify her own twins. O dahil kaya mas mahal nito ang kambal niya kaya wala itong ibang bukambibig kundi Ryan, Ryan! Kahit na siya ang kaharap at kausap nito, napagkakamalan pa rin siyang ang kambal niya. Ina nila ito, dapat ito ang unang taong makakaalam kung sino ang sino sa kanilang magkambal. Bagay na hindi kayang i-identify ng ibang tao but not to their own mom. Naramdaman niya ang pagtapik ng ama sa kaniyang balikat. Nang lingunin ito'y parang sinasabi nitong 'intindihin na lamang ang kaniyang mama'. Malungkot siyang ngumiti sa ama. Kung noon ngang bata pa siya'y kaya niyang intindihan ang ina, ngayon pa kaya? Ngayon kailangang kailangan ng kaniyang mama ng pang-unawa. And he will try to be more understanding towards his mom this time. "SIGURADO KA BANG kaya mo na ang sarili mo, Ysa?" nag-aalalang tanong ni Rina nang makarating sila sa simbahan. Noong isang linggo ay napag-alaman niyang may idaraos na prayer service ang pamilya Del Rio para kay Ryan. Gusto niyang dumalo. Kahit doon man lang ay maipadama niya sa datimg nobyo na nagsisisi siya sa nangyari sa kanila. Kaya ngayon ay narito siya sa simbahan kung saan idaraos ang prayer service. Hindi naman nagpaiwan si Rina, nag-aalala ito sa kaniya dahil hindi pa siya gaanong nakaka-recover. Isang linggo siyang naratay sa kama dahil sa trangkaso. "Rina, kaya ko ito. Okay na ako," sagot niya, pero ang totoo'y nanginginig siya. Kinakabahan dahil muli niyang makakaharap ang mga magulang ni Ryan, matapos ang pag-urong niya sa nakatakdang kasal nila. Inalalayan siya ni Rina papasok sa loob ng simbahan. Marami-raming tao at pawang nakasuot ng puti at itim. Namataan niya ang ama ni Ryan na si Don Edmund Del Rio. Alangan man siya at kinakabahan sa pagkikita nilang muli ng ama ng dating katipan ay  lumapit pa rin siya rito. "Señor," tawag niya sa matandang Don nang tuluyang makalapit dito. Agad itong lumingon sa kaniya. "Ysa, you came." Walang bahid ng galit ang boses nito kundi puno ng kalungkutan. "Opo. Gusto kong ipagdasal dito si Ryan na kasama kayo, Señor." She bit her lower lip, nagbaba siya ng tingin para itago ang pamumuo ng luha sa mga mata. "Thanks, hija. I thought hindi ka na dadalo sa prayer service ni Ryan." Hindi siya makaimik dahil biglang nagbara ang kaniyang lalamunan. Bumibigat lalo ang kaniyang dibdib. Ano man ang nanyari sa relasyon nila ni Ryan, niloko man siya nito, mananatili pa rin ito sa kaniyang puso. There will always be a part of him in her heart. Napatawad na niya ito. At ngayon siya naman ang hihingi ng tawad dito. Nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari nang biglang makaramdam ng pagkahilo si Ysa. Maingat siyang tumayo para sana lumabas muna ng simbahan. Bigla kasing nanikip ang kaniyang dibdib. Marahil ay dala ng halos walang patid na pag-iyak. Malapit na siya sa pintuan ng simbahan mg biglang umikot amg kaniyang paningin at  pinanlambutan ng tuhod. She was about to fall when someone appeared from the corner and quickly wrap her on the waist. Sa halip na sahig ang sasalo sa lupaypay niyang katawan ay ang matitipunong bisig ng isang lalaking kilalang-kilala niya. "Ryan..." mahinang tawag niya sa lalaki bago siya nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD