CINDY POV "Ano bang gusto mong malaman?" Ikot nilang tatlo sa ‘kin. "Lahat. Kung pwede lahat ng alam niyo simula umpisa." Seryoso kong tingin sa kanilang tatlo. Naningkit ang mga mata ko nang magtinginan sila sa isa't isa. "Para saan ba 'to?" Nanliliit na tanong ni Will. "Gusto ko lang malaman, ayoko kasing madamay." Mabilis niyang angal nang tignan ko siya nang matalim. "Marami kasing kumakalat na balita. Curious lang ako." "Pero bumait naman na siya, 'di ba?" "Bumait?" Mabilis kong tanong. "Alam mo kasi, sige, ako na mauunang magkwento." Pagpresinta ni Will habang nilalapag ang braso niya sa lamesa. Tumango lang ako at tinitigan siya. "Pero sure kang hindi ka niya nasundan?" Parang bata niyang tanong kaya napaangal kaming tatlo. "Relax! Naninigurado lang. Alam niyo namang isang s