XANDER POINT OF VIEW "Hindi ko na makita si Will." Tarantang lapit ni Jen. Bakit kasi si Will pa na walang laban ang kinuha nila. "Pwede bang hanapin muna natin siya ulit?" "Jen, hindi nila sasaktan si Will. Nakipagkasundo na ko sa kanila." "Ayon siya." Seryosong tumuro si Sean sa isang gilid. Isa pa 'tong mainit ang ulo kanina pa. Kung alam niya lang. "Pasok na tayong tatlo. Tangina lang, ako ang pinakamaliit kanina sa pila. Alam niyo ba 'yon?" reklamo ni Phil habang papalapit sa amin. Napapikit na lang ako nang madiin para kalmahin ang sarili. I'm trying to stay calm pero kagagago nitong kasama ko. Pati ko nadadamay sa nerbyos nilang dalawa. "Ako?" "Jen, ano ba? Hindi ka nga pwedeng sumali." Masungit na tugon ni Sean. "Huwag mo nang patulan si Sean. Tama naman siya. Kami nga deha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books