SEAN POV "Hindi ko alam na ganito na kayo kahina." Tumayo si Micahel habang minamaliit kami sa mga tingin niya. "Alam mo papatayin talaga kita kapag may nangyaring masama sa asawa ko. Tandaan mo 'yan." Banta ko sa kanya habang naghahanda na kaming sumugod sa hideout ng Roar. "Sige lang, kung papayagan ka ni Cindy." Mahinahon niyang sagot habang nagkakasa ng baril. Bwisit talaga siya sa buhay ko. "Tingin mo ililigtas ka niya?" Mapait akong napatawa. "Bakit? Sino bang mas gusto niya sa'tin?" Kumindat siya na lalo kong ikinagigil. "Sean, lumubay ka na nga. Ikaw lang ang naiinis," saway sa ‘kin ni Xander habang inaabutan din ako ng baril. "Sasama ko." Pilit na naman ni Jen. "Sinabi na niya sa'yo, 'di ba? Hindi pwede." Madiin kong salita. Sinamaan niya ko ng tingin kaya binalik ko 'yon