CINDY POV "Bakit ba ang kulit mo?! Lubayan mo na nga ako!" Malapit na ko sa condo pero ayaw niya pa ring tumigil sa pagsunod. Bakit ba ayaw niyang tumigil? Para 'to sa ikabubuti niya. Ayoko lang naman siyang mapahamak. "Tumigil ka na." Seryoso niyang hila sa braso ko. Kaya naman napahinto na rin ako habang hingal na hingal. "Bakit ba ayaw mong tumigil? Sinabi ko naman na sa'yo na hindi kita gusto." Hinawi ko ang kamay niya pero mas lalo niya lang diniinan ang paghawak. "Masakit!" sigaw ko na. "Okay sige, pero sabihin mo bakit iniiwasan mo ko? Bakit kailangang ibang lalaki pa ang hanapin mo?" Malumanay niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko. Inalis ko ang tingin sa kanya at pumikit. "Please, tigilan mo na ko. Sasabihin ko na rin sa kanila na huwag na nating ituloy ang kasal."