CHAPTER 2 FAMILIAR

1352 Words
"Good morning people of America!" sigaw ko pagbangon ko kinaumagahan. Oo, pagkatapos ng heartbreak ko kay Gabriel, mas pinili ko na lang ang mangibang bansa. Tinapos ko lang ang college at dito na sa America nagpatuloy ng buhay. Tiniis ko ang apat na taon sa kolehiyo na dala-dala ang sakit sa mga salitang binitawan sa akin ni Gab. Masakit na makita siyang masaya, habang ako nama'y parang tinutusok ng karayom ang dibdib. Masakit na ibang babae ang nginingitian niya at inaakbayan, habang ako nama'y nakatanaw lang sa malayo. Lahat ng iyon tiniis ko, kahit na paunti-unti akong nilalamon ng selos, inggit, at galit. Anim na taon ang lumipas at alam kong tuluyan nang naghilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Naging malaya ang puso ko at natutong lumimot sa pait at pighati ng kahapon. I am a successful doctor now. I am working in a well-known hospital here in America. At masasabi kong okay na ako, okay na ang puso ko. "Live free and enjoy your life, Ashley!" Muli kong sigaw. Narinig kong may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Pagbukas ko ay mukha ni Ate Amor na may pag-alala ang bumungad sa akin. "Okay ka lang ba? Ano iyong narinig kong sumisigaw? Ikaw ba iyon?" sunod-sunod na tanong ni, Ate Amor. Tumawa ako nang malakas na siyang ikinakunot noo niya. "Dios Mio bata ka. Ano'ng kalokohan na naman ang pinaggagawa mo?" Dagdag pa niyang sabi. "Wala, Ate Amor. Masaya lang po ako." Sabi ko naman at inakbayan na siya palabas sa aking kwarto. "Lagi ka namang masaya ah," Sabi pa niya. "Opo, kasi nandito kayo palagi sa aking tabi kahit na minsan topakin ako, minsan moody at hindi makausap nang maayos." nakangiti kong sabi. "Nagda-drama ka na naman bata ka," sabi naman ni Ate Amor na kiniliti pa ako sa aking tagiliran. "I will never tire of thanking you for all the good you have done for me and my family, Ate Amor. Napakalaki ng puso mo. Kung pwede lang sana na rito ka na lang palagi, pero hindi pwede kasi may sarili ka ring buhay at hindi pwedeng habang buhay mo kaming paglingkuran. Alam ko na darating din ang araw na aalis ka, magpapaalam, at gagawa ng sariling pamilya." malungkot kong sabi. "Matagal pa bago mangyari iyon. Masaya akong paglingkuran kayo." sagot naman ni Ate Amor na may ngiti sa labi. "Eh, paano kung may makilala kang afam, iyong bang kamukha ni Christian Grey?" tanong ko na may simpatikong ngiti sa labi. "Malabong mangyari iyon, 'tsaka walang magkakagusto sa akin dito lalo na't lagpas na sa kalendaryo ang edad ko." nakanguso pa niyang sabi. "Okay lang iyon Ate Amor, hangga't nasa binggo pa ang edad mo, 'wag kang mawalan ng pag-asa." tumatawa kong sabi. Nahampas ako ni Ate Amor sa braso at hindi ko napigilan ang aking tawa. "Pasaway ka talagang bata ka. Kalokohan mo!" tumatawang sabi din ni Ate Amor sa akin. Si Ate Amor ang katuwang ko rito sa bahay. Si Mommy na rin ang nagsabi na kailangan ko talaga siya kung kaya't hindi na ako nag-atubiling tanggihan siya nang sabihin niyang isama ko si Ate Amor dito sa America. Nu'ng una si Ate Amor ang umaayaw, kesyo hindi raw siya magaling mag English at baka ma-nosebleed lang daw siya rito. Pero kalauna'y pumayag na rin siya. Natatandaan ko pa nga ang conversation nila ni Ate Jerr bago kami umalis nu'n. "Kapag magbo-boyfriend ka ng afam piliin mo iyong madatung, para kapag umuwi ka dito, eh Donya ka na. Tapos piliin mo iyong puti 'wag itim, para pwede pang display." Natatawang sabi ni Ate Jerr. "Walang magkakagusto sa akin doon 'no." sagot ni Ate Amor sabay irap kay Ate Jerr. "Marami, Amor. Alam mo bang exotic beauty ang bet ng mga afam." tumatawang sabi ni Ate Jerr. "Eh 'di para mo na rin sinabi na exotic pala ang beauty ko." taas kilay na sabi naman ni, Ate Amor. "Tumpak! Buti naman at alam mo. Kaya paniguradong makakabingwit ka ng afam. Balatuhan mo ako kung sakali." Tumatawang sabi ni Ate Jerr. "Hay! Ewan ko sa iyo Ate Jerr. Puro ka kalokohan!" sagot naman ni Ate Amor. Tumatawa na lang ang mga taong nasa paligid nina, Ate Amor, at Ate Jerr sa mga oras na iyon. "Naghanda na ako ng makakain mo bago ka pumasok sa trabaho." boses iyon ni Ate Amor na nagpabalik sa aking diwa sa pag-alala sa nakaraan. Naging magaan ang lahat para sa akin dahil kay Ate Amor. Siya ang umalalay sa akin nu'ng panahon na lugmok ako. Alam din kasi niya ang kwento ng love life ko. Hindi rin ako naglilihim kay, Ate Amor. Alam niya ang lahat. Napakaswerte lang naming magkakapatid dahil may mga katulong kami na naging pangalawang magulang namin. Naging magaan ang buhay ko dito sa America dahil sa tulong ni Ate Amor. Lalo na't hindi ko na rin naman kailangan bumili pa ng bahay dito sa America. I'm staying in our own house na siyang naging bahay din ni Nikki nu'ng panahon na tinakasan niya ang magulo niyang love life kay, Zach. Siguro pinagawa talaga ng parents namin itong bahay para takbuhan ng mga broken-hearted nilang anak. Pagkatapos kong kumain ay mabilis na rin akong gumayak. Thirty minutes ang biyahe ko papuntang City of Hope na siyang pangalan ng hospital na pinapasukan ko. May mga iilan din na nurse do'n na kapwa ko Pilipino. "Good morning, Doc. Fuentebella." bati sa akin ng ilang tauhan sa hospital na nadadaanan ko sa hallway. Malawak na ngiti na lang ang naging sagot ko sa kanila. They're friendly, mapa Pinoy man o foreigner. Never kong naranasan ang ma out of place kahit nu'ng nagsisimula pa lang akong magtrabaho dito. "Doc may pasyente po tayo na nagsusuka at putlang-putla na." bungad sa akin ng isang nurse na kapwa ko Pinoy. Mabilis akong tumango. Sinuot ko lang ang aking white lab coat at nagmadali nang pumunta sa room ng pasyenteng sinabi ng nurse. Pagdating ko du'n ay nanlaki ang aking mga mata dahil namumukhaan ko ang lalaking nakahiga sa hospital bed. Nakapikit ito at parang pagod na pagod ang itsura. Lumapit na ako kaagad at sinuri nang maigi. Tinapat ko ang stethoscope sa kaniyang dibdib at medyo hindi maganda ang tunog ng kaniyang paghinga at hindi rin normal ang t***k ng kaniyang puso. Sinuri ko rin ang kaniyang blood pressure at sa awa ng Diyos ay normal naman. Kinuhaan ko siya ng dugo at sinuri pati ang kaniyang mga mata. Baka kasi may diperensya na siya sa mata kaya niya nararanasan ang pagkahilo at pagsusuka. Minsan kasi kapag tumataas ang grado ng ating mga mata ay nararanasan natin ang ganitong sitwasyon. Pero nang makita ko na ang resulta ay hindi pala sa kaniyang mata ang dahilan ng nararamdaman niya ngayong kung 'di ang pagkakaroon niya ng Vertigo. One of the reasons why people experience vertigo is because of migraines, severe headaches, and stress at work or in the family. Bumalik ako sa aking opisina at sinabihan ko ang nurse na naiwan doon na tawagin na lang ako kung sakaling magising na ang pasyente. Umupo ako sa swivels chair at binuklat ang profile ng aking pasyente na nakalagay sa isang folder na binigay sa akin ng nurse. Hindi kasi mawala sa aking isip na nakita ko na siya dati. Malakas ang kutob ko na kilala ko siya at hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. "Jack Dela Fuente," Basa ko sa kaniyang pangalan. Naka-kunot noo ako kasi hindi ko kilala ang kaniyang pangalan pero familiar ang kaniyang mukha. "Thirty-two years old, businessman, single, Filipino-American." basa ko muli. "Ibig sabihin Pinoy pala siya at baka rito lang din sa America nakatira? At single ready to mingle pa." Nakangiti kong sabi na para akong tanga na kinakausap ang aking sarili. Tiniklop ko ang folder at iniisip kung saan ko ba nakita ang lalaking ito. Sa aking pag-iisip ay bigla akong nagulat nang bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng nurse. "Gising na po ang pasyente, Doc." sabi ni Shiela, ang nurse na nag-asikaso sa pasyenteng si, Jack. Tumayo na ako at muling sinuot ang hinubad kong white lab coat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD