CHAPTER 3 First Encounter

1269 Words
Pagpasok ko, nakita kong nakasandal sa headboard ng hospital bed si Jack na malayo ang tingin habang sinusuri ng nurse ang kanyang blood pressure. May naaaninag ako sa kanyang mukha pero hindi ko lang mawari kung ano ba iyon. Ang gwapo niyang mukha ay nababalutan ng lungkot. Ang mga mata niyang kulay tsokolate ay walang bahid ng kislap, bagkus ay kay tamlay. Walang imik akong lumapit sa kanila. Nakita kong napatingin sa akin si Jack. Pasimple akong tumingin sa kaniya at ang kilay niyang nag isang linya ang sumalubong sa akin. Parang may nais itong sabihin pero hindi niya tinuloy. "Doc, okay naman po ang blood pressure ni, Sir. Naayos ko na rin po ang mga gamot na dapat niyang inumim." Sabi sa akin ni Shiela. Nakangiti akong tumango sa kaniya bago siya lumabas bitbit ang kaniyang mga gamit. Wala kaming imikan ng aking pasyente at hindi man lang ito nagtatanong kung ano ang nangyari sa kaniya o kung ano ang nakitang dahilan kung bakit siya narito ngayon sa hospital. Hinayaan ko na lang siyang nakatingin sa kawalan. "Paano ako napunta rito?" narinig kong sabi ni Jack, pagkalipas nang ilang minuto. Nagulat pa ako nang marinig ang kaniyang baritonong boses. Ang lamig ng boses niya na para bang hinukay pa sa kailaliman. May diin at napakaseryoso ng kaniyang tinig. Lumingon ako sa kaniya dahil busy ako sa pagtingin sa kaniyang folder at muling binasa ang ilan sa mga resulta ng kaniyang test. "Actually, hindi ko rin alam." simple kong sabi. Dudugtungan ko pa sana ang aking sasabihin nang muli siyang magsalita. "Hindi mo alam? How did you become a doctor if you didn’t know how your patient got here? Or who brought it here?" Kunot noong sabi niya. Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Napalingon ako sa kaniya na nakakunot noo rin. Ang bawat salita nito ay madiin at malamig na para bang yelong bumaon sa aking pagkatao. Ano'ng karapatan ng lalaking ito na question-in ang pagiging doctor ko? Ano'ng karapatan niyang sabihan ako nang ganu'n lang? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko na rin yatang suriin ang kaniyang utak baka napasukan na nang hangin at medyo bad mood ang aking pasyente. "Mr. Dela Fuente, nagkataon na magkasabay lang tayong dumating dito sa hospital kung kaya't hindi ko alam kung sino'ng Poncio Pilato ang nagdala sa iyo rito." Mahinahong ko pa rin na sabi kahit na umakyat na yata ang dugo sa aking bunbunan. Pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili upang hindi masagot ang aking pasyente na mukhang walang galang sa babae. "You are a doctor, you should have entered the hospital earlier. Hindi iyong kung kailan nand'yan na ang pasyente saka ka pa lang dadating." Muling sabi nito sa akin. Nakuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis. Ano'ng gamot ba ang iniinom ng lalaking ito? Hindi man lang niya inisip na doctor ang kausap niya at babae pa. Hindi man lang ba ito marunong gumalang sa mga doctor? Lalo na sa mga babae? How could he ask me like this? Gusto kong kumuha ng anesthesia at isaksak sa pagmumukha niyang ang kapal ng dry skin, pero dahil na rin sa pagiging doctor ko ay mas pinili ko na lang na magpigil ng inis kahit gusto ko nang lukutin ang pagmumukha niya at apak-apakan na para bang ipis na nakakadiri. "For your information, Mr. Dela Fuente, I still have ten minutes to rest my body on the long drive before I arrive here at the hospital. Pero dahil dinala ka rito, kahit na hindi ko pa oras ay ginawa ko na ang aking trabaho para lang maasikaso ka kaagad. Tapos sasabihan mo akong mas inagahan ko pa sana. Hindi mo katawan ang katawan ko at hindi mo trabaho ang trabaho ko para question-in mo ako. At hindi ko na kasalanan kung hindi ko man nakita ang taong nagdala sa iyo rito." Seryosong sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang side ko. I did my job as a doctor. Naasikaso ko siya nang maayos. Nalaman ko ang dahilan ng iniinda niya, so I think I'm done with him. "It's your job to find out who the patient's family is especially if he is the only one here? And especially if he has been in the hospital bed for hours and no one is visiting him." Muling sabi ng aking pasyente na mukhang ayaw magpatalo. Sa sinabi niyang iyon ay medyo tinamaan ako. Pwede nga naman namin alamin kung sino ang pamilya niya lalo na't sinabi sa akin ni Shiela na medyo may edad na lalaki ang nagdala sa kaniya rito at agad din umalis ang matanda. Ang matanda rin ang nagsabi na nagsusuka at nahihilo raw si Jack nung dinala niya rito bago ito nawalan ng malay. Siguro nga ay hindi kakilala ni Jack ang matanda at tinulungan lang siya nito, dahil kung driver man niya iyon or tauhan sa kanilang bahay ay malamang narito na rin ang pamilya ni Jack. "See? Hindi ka makasagot ngayon because I'm right. Hindi mo ginawa nang maayos ang pagiging doctor mo. I stay here for hours but no one is visiting me, because they dont know that I'm here in the hospital." Mapakla niyang sabi. "Okay, I admit. May pagkakamali ako, pero hindi mo kailangang ipamukha sa akin na hindi ko nagawa ang trabaho ko, dahil nagawa ko ito nang maayos." Galit kong sabi. Hindi ko na napigilan na magpakita ng inis sa kaniya lalo na't dinadamay na nito ang pagiging doctor ko. "Siguro kaya ka may vertigo dahil stress ka na sa buhay. At siguro dahil napakalungkot ng buhay mo at ang alam mo lang ay magalit sa konting pagkakamali ng iba." Inis kong sabi. "Kung wala ka nang sasabihin, I need to go. May mas nangangailangan pa ng oras ko kaysa sa iyo." Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Jack at mabilis na akong lumabas. Si Nurse Shiela na lang ang pinag-asikaso ko dahil okay naman na siya. Kailangan na lang resetahan ng gamot at i-discuss ang ilang mga bagay na dapat niyang iwasan at dapat niyang gawin upang tuluyan nang gumaling ang iniinda niyang sakit at alam kong kaya na iyon ni, Nurse Shiela. Bumalik ako sa aking opisina na mainit ang ulo. Pati lab coat ko ay itinapon ko na lang sa sofa dahil sa inis. Ang dami ko nang naging pasyente, babae man o lalaki pero ngayon lang ako nakatagpo ng ubod nang yabang at pati pagiging doctor ko ay kailangan pa niyang idamay. Siguro kaya single pa rin ang lalaking iyon dahil walang nagkakagusto sa kaniya sa sobrang yabang ay simpatiko niya. "Tumanda ka sanang binata!" sigaw ko na para bang nasa harap ko lang ang aking kausap. Uminom ako ng tubig upang pakalmahin ang aking sarili dahil sa inis kay Jack. "Bwiset! Ang gwapo pa naman niya, iyon nga lang parang binudburan naman ng asin ang katawan sa sobrang sungit." Inis kong sabi sa aking sarili sa salamin habang naglalagay ng powder sa aking mukha. Pakiramdam ko kasi nag-oily face ako dahil sa inis sa mokong na iyon. "Bwiset! Hindi yata vertigo ang sakit niya. Mukhang natuyo na yata ang kaniyang brain cells kung kaya't kung anu-ano na ang pumapasok sa utak." Muling sabi ko habang isa-isang inilagay ang aking mga gamit sa pouch. Ang ganda pa naman ng mood ko bago ako umalis sa bahay tapos ganito lang ang mangyayari pagdating ko rito sa hospital. "Relax Ashley! H'wag kang magpapaapekto sa kurimaw na iyon. Intindihin mo na lang dahil mukhang stress na siya sa buhay. Hindi iyon nakakabawas sa iyong ganda." Pangungumbinsi ko na lang sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD