WEDDING DAY Naging abala kaming lahat sa pag-aayos sa aming mga sarili at sobrang excited ang aking nararamdaman. Sapagkat ito na ang aming pinakahihintay ni Shun. "Ang ganda mo, Ate Hanna bagay na bagay sa 'yo ang gown mo. Para kang Barbie," puri ni Monet sa akin. "Salamat, Monet. Balang araw ay masusuot mo rin ito." "Matagal pa siguro, Ate. Kasi wala pa naman akong nobyo ngayon at wala pa akong balak magka-boyfriend. Pag-aaral muna ang uunahin ko para kay Mama at Papa." "Tama 'yang iniisip mo, Monet. Magulang muna ang uunahin mo bago ang sariling kaligayahan." "Yes, Ate Hanna. Dahil gusto kitang tularan." "Salamat, Monet." Nagiging emosyonal kami ng aking kapatid at niyakap ko iya. Sakto ang pagpasok ng aming ina at naabutan niya kami sa ganoon eksena. "Anong nangyari dito?"