Chapter 06: The Pawn

2313 Words
Matamang inunat ni Savannah ang kanyang dalawang kamay matapos ma-kumpleto ang mga designs na ipapakita niya kay Vio. She smiled sweetly and scanned each designs that is drawn in her sketch pad. Ang buong akala niyang hindi na siya matatapos pa doon mabuti na lang at sobra siyang inspired ngayon. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at pinasadahan ng tingin ang damit na nasa display sa boutique niya. Savannah designed that back when she were in Paris. Sa mga bansa sa Europe siya talaga laging napunta dahil sa fashion taste ng mga tao doon na umaakit sa kanyang mga mata. Gusto niyang gawing moderno ang fashion taste sa Cretia ngunit hindi aalisin yung tradisyunal na kasuotan ng mga citizen doon. That's the theme of her designs which she know Vio will like. Pareho kasi sila mag-isip nito kaya nga umubra ang collaboration nilang dalawa. Nalipat sa cellphone niya ang kanyang atensyon. Mabilis niya iyon dinampot ng makita ang pag-rehistro ng pangalan ng kanyang Ate Keira. “Ate Kei!” Masaya niyang bati sa nakakatandang pinsan ng malipat niya sa video call ang tawag nito. Miss na miss niya na ito at sa tuwing uuwi galing sa mga gigs, ito ang unang binibisita. “Kamusta ang bagong kasal?” “You're not there, Savannah! Nakakainis ka sobra.” Napangiti siya ng dahil doon. Kahapon kinasal ang pinsan at hindi niya nagawang dumalo dahil nasa Cretia siya. Sinubukan naman niya itong tawagan kahapon kaso hindi sumasagot dahil sa pagiging abala. It's a massive wedding just like what her Uncle Joaq wants. “I'm so emotional yesterday and Ruan doesn't know what to do. Gusto ka na nga ipasundo dyan kahapon.” “Pinahirapan mo na naman si Ruan. You're such a pain in his ass, Ate.” “Tanggap naman niya iyon. Nasa Balesin kami ngayon tapos pumayag si Ruan na puntahan ka namin dyan.” Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Probably next week na 'yon kasi wala kaming flight na mahanap agad.” “Next week?” “Oo next week, Sav. Is there a problem?” “There's no problem. Looking forward to seeing you and your husband here.” Napipilitan niyang sabi dito. Ang totoo, magiging abala na siya sa mga darating na araw lalo na susunod na linggo. From her flat, she and Erin will be transferred to House of Alléa. Doon niya gugulin ang mga araw at paghahanda para sa gaganaping selection. Oo at sa wakas pumayag na siyang i-represent ang pamilya ni Carlos sa naturang patimpalak. Kahit wala pa siyang nadidinig na balita tungkol kay Rion simula noong gabing maghiwalay sila. That magical night when she kissed a Prince. “Great! See you there and I'm so curious about that country.” Nahirapan siyang magtago ng nararamdaman sa pinsan. Baka kapag nalaman nito ang tungkol sa sasalihan niyang selection ay iuwi siya nito agad sa Pilipinas. Gano'n nila hindi kagusto ang usapin tungkol sa politics. They're Lolo Henry was the last politician in their family. Nang matapos ang pag-uusap nilang magpinsan, inayos na niya ang kanyang mga gamit. Erin is not around for a reason she doesn't know. Madalas talaga ay may sariling lakad ito na hindi sinasabi sa kanya. “Done for today, my Lady?” tanong na nagpa-angat sa kanyang tingin. “Can I borrow you for tonight?” Another question that Rion asked her. “Where are we going, Your Highness?” Napangiti si Rion ng dahil sa pag-address niya dito. Hindi niya alam kung nagki-cringe ba ito sa tuwing tatawagin sa gano'ng paraan o sadyang ayaw lang nitong magpatawag ng gano'n sa kanya. “Rion alone is fine with me. It's just you and me here. No royal teachers nor guards around us.” sambit nito sa kanya ng makalapit sa working table niya. Iyon lang tanging pumapagitan sa kanilang dalawa ngayon kaya naman malaya siyang maamoy ang pabango nitong hindi gaanong masakit sa ilong. “Come on, I'll treat you out tonight.” “Is this a date?” tanong niya dito na dapat hindi na ginawa. “I'm sorry. I just assumed that. We call it a date in our country.” “We call it a date, too, here.” Napatango siya bilang sagot dito. Ngumiti lang si Rion saka muli siyang inaya na lumabas na. Wala naman na siyang gagawin at balak niya lang kanina ay manood ng paboritong Netflix series sa flat nila. Akala niya kasi'y hindi na susulpot si Rion matapos yung pinagsaluhan nilang halik. Inisip niyang baka abala lang ang binata sa mga ginagawa lalo na kapag may kinalalaman sa coronation at selection. “Where have you been lately?” tanong niya sa binata. Wala namang masamang magtanong. Gusto niya lang malaman kung ano-ano ang mga pinagkaka-abalahan nito ng mga nakaraang araw. Rion have a cellphone and he even gave his contact number to her. Sadyang natatakot lang siyang magtanong dito. Dinala siya ni Rion sa isang restaurant na kilalang-kilala sa Cretia. Doon na niya natikman ang pinaka-masarap na steak sa buong buhay. Sa halos buwan buwan niyang pag-alis at kung saan saang bansa nagpunta, lahat na ng restaurant na nag-o-offer ng steak ay napuntahan na. “Everywhere. Doing charity works with Vanessa. You should come the next time we visit a charitable institutions.” Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya pagkatapos madinig ang tungkol sa ginawa nito ng mga nakalipas na araw. Kasama nito si Vanessa na siyang tinuturing na mahigpit na kalaban ng sinumang magtatangka sa sumali sa selection. Bakit pa nga ba kailangan ng selection? Doon bumalik sa isipan niya ang mga sinabi ni Rion sa kanya. For the sake of entertainment... ulit niya sa isipan. “Is there a problem?” tanong sa kanya ni Rion. “No.” Mabilis niyang sagot. Basically, lumalabas si Rion kasama niya at lumalabas din ito kasama ni Vanessa o ng iba pang babae. He's literally going out everywhere and meeting a lot of people. Naisip niyang sa Pilipinas lang pala mayroong stick-to-one attitude at exclusivity. “I'll go with you the next time you visit a charity with Lady Vanessa.” “That's great, Savannah.” Matipid siyang ngumiti saka nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos sila, sinamahan siya ni Rion na maglakad lakad habang nakain ng churros. Iyon ang naisipang bilhin dahil madami siyang nabasa online na the best daw ang iyon sa Cretia. “You love eating especially sweets.” “I have a sweet tooth and even I ate too much this, I hardly gain weight. Another difference that my twin sister and I have. Ciara easily gain weight and I don't know why.” Noon pa 'man ay inggit na siya sa bilis ng pag-gain ng weight ni Ciara. Kahit anong gawing kain niya, wala pa din nangyayari. Sinabi na sa kanya ng Mama nila na tanggapin niya ang katotohanang pang-modelo talaga ang katawang mayroon siya. Kaya hindi na hirap ang mga talent scout noon sa pag-maintain ng timbang na mayroon siya. “I'm gonna spoiled you with that. My sister loves eating sweets, too. She can down a tub of chocolates in one seating.” “How's her teeth?” “She got scolded by the royal dentists the next day.” Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Ang saya pakinggan ng relasyong mayroon si Rion at kapatid nito. Lalo tuloy siyang naku-curious sa itsura nito at pag-uugali. “This is me.” aniya ng tumapat siya sa gate ng tinitirhang flat. Parang gusto pa niyang umikot para lang makasama pa ito ng matagal. Sasaglit lang kung tutuusin ang date nilang iyon dahil may curfew sa Cretia at ayaw naman niyang mahuli doon. There's problem with Rion and he can get out easily. Perks of being the Crown Prince. “See you tomorrow,” anito sa kanya. “Tomorrow?” “If you're free the whole day, I want to watch the city lantern and fireworks festival with you,” “What is this? A third date?” Rion shurgged then walk a little more closer to her. Bumaba ang mukha nito saka pinatakan ng magaan na halik ang pisngi niya. “I'll take that as a yes.” Rion said before turning his back on her. ~•~•~ Maaga gumising si Savannah para maghanda sa pakikipagkita niya sa royal teacher na si Miss Letizia. After na nung meeting niya kikitain si Rion sa park kung saan sila unang tumambay nito. Doon sa lugar kung saan siya nito dinala pagkaligtas sa kanya. Habang papunta sila ni Erin sa House of Allea, panay ang paalala nito sa kanya tungkol sa ugaling mayroon ang magiging teacher niya. Doon palang parang gusto na niyang mag-back out. Hindi na bale kung sa iba mapunta si Rion dahil pinalaki naman siya ng mga magulang niya na independent. Kaya ba niya pakawalan si Rion? Kaya ko nga ba? Hay, Savannah, you come here not to get involve with a guy. Worst case, sa isang royal blood pa... aniya sa isipan. “Bonjour!” Napatayo siya ng bumukas ang pintuan ng study room ni Carlos. Una itong pumasok kasunod ang isang babae na halos ka-edaran ng nanny nila. “Savannah.” Kinuha ni Carlos ang kamay niya saka hinalikan ang likod noon. “Let me introduce you to Miss Letizia. She's one of the trusted royal teachers of the our Queen.” “Old teacher, Lord Carlos.” Miss Letizia corrected. “So, you're the pawn.” Baling nito sa kanya. Hindi niya maintindihan bakit ‘pawn’ ang tawag nito sa kanya. “She has a pretty face and good posture.” “She came from a well-known family in the Philippines and a beauty queen s***h model.” Mukhang na-impress niya si Miss Letizia dahil sandali itong natahimik. Nanlalamig ang talampakan niya habang pinapasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. “Beauty pagaentry is far different from the selection. You're not just a title holder here. You will be the wind beneath the future King's wings of this country.” Lumakad ito papunta sa working table ni Carlos saka dinampot ang tatlong magkakapatong na papel saka bumalak sa pwestong kinaroroonan niya. “Base on these articles and headlines, you already build a special relationship with Prince Rion.” Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang larawan na nasa Cretian newspaper headlines. Naroon lahat simula ng magkakilala sila ni Rion maging yung naging date nila kahapon. Pati halikan nila sa plametarium. Bakit hindi niya napansin na may nakasunod sa kanila? Bakit hindi 'man lang siya nakakuha ng mga kopya noon tuwing umaga? Tinatago ba iyon ni Erin? Para hindi na siya mag-isip? “The Prince is into her, Miss Letizia.” Carlos said. “But it's not enough. We still have a Queen and a whole nation to impress.” She heaved a deep breath and let out a weary sigh. “Afraid? Then, let's not waste each other time here.” “Miss, she's our family's only hope. Let's not put all the pressure to her for now,” “Can't she handled stress or pressure? Pagaentry has a lot of it.” Miss Letizia has a point. Mas nakaka-stress at pressure sa pagsali sa gano'n. Same level lang siguro ang dalawa. Iyon nga lang hindi lang basta titulo ang hahawakan niya. The selection is all about choosing a great leader that will guide the King. A literal wind beneath the King's wings. “I want you to think about how important the pawn in a chess game while deciding if you're pursuing this, Lady Savannah.” ~•~•~ Matamang pinagmasdan ni Savannah ang mga snow bumabagsak mula sa kalangitan. Inalis niya mula sa bulsa ng suot na trench coat ang kamay saka sinalo ang mga snow flakes. Hanggang sa mga oras na iyon iniisip pa din niya ang mga binitiwang salita ni Miss Letizia. She's a pawn in a chase game. Gaano nga ba kahalaga ang isang pawn sa larong iyon? Hindi siya gaano mahilig maglaro ng chess. Kung si Ciara ang kalaban niya, kaya niya manalo pero kung si Sebastian, wala na pag-asa. “Did I made you wait long?” tanong na pumukaw sa kanyang pag-iisip. Hindi makuhang sumagot agad. Parang nasa pelikula sila ni Rion ng mga oras na iyon. Rion is standing not so far from her, holding an umbrella and a hand slid inside the pocket of his coat. Rion is good looking and has a King aura. Naglakad ito palapit sa kanya at maging iyon ay parang naka-slow motion. Ano ba nangyayari sa kanya? Lately, gano'n na siya mag-isip palagi lalo na kapag kasama si Rion. “I did made you wait long. Your nose is red now.” Inaya siya nitong umalis ba doon at tunguhin na ang lugar kung saan sila makakanood ng fireworks display na hindi nalalamigan. Pagkapasok nila doon, agad na inabutan siya ni Rion ng mainit na eggnog. Sa harapan nila ay may chess board na nakalatag at halatang hindi pa nalalaro. Natuon ang atensyon niya sa pawn na maayos na nakahilera sa ibabaw ng board. Marahang naupo sa silyang katapat ng kanya si Rion dahilan upang dito malipat ang kanyang atensyon. “The pawn...” sambit bigla na kinakunot ng noo ni Rion. “It's the soul of chess. They can uniquely determine the attack and the defense. I must say it's the important piece on a chess game.” Iyon ba ang gustong ipabatid sa kanya ni Miss Letizia. Kaya ba siya nito binansagan na ‘pawn’ hindi dahil gagamitin siya kung 'di para ipakita kung gaano kalaking impact ang maari niyang ibigay sa larong papasukin. “Do you know how to play chess?” “A little.” Maikli niyang sagot. “Would you like to play with me?” Kailan ba yung huling paglalaro niya noon? Baka mamaya ay mapahiya siya sa harap ni Rion. Pero mahirap tanggihan ang binata lalo na kapag gustong gusto nito. Marupok pa naman siya at madaling makumbinsi. “If I win, there will be a next date for us.” Rion said then, moved a piece as a start of the game. “And if you lose?” Savannah asked. “Another date again,” Hindi niya maiwasang matawa sa sinabi nito. Parang pabor lahat dito ang sinabi. Gusto din naman niyang maka-date ito. Sigurado pa 'to na siya ang matatalo sa larong iyon. Ngayon palang na hindi sila nag-uumpisa ay talo na siya, paano kapag nag-umpisa na? Nagpatuloy sila sa paglalaro habang nag-uusap. Huminto lang sila ng magsimula ng magliwanag ang kalangitan dahil sa ilaw na dulot ng mga fireworks. Hindi niya maiwasang mamangha habang pinapanood ang mga iyon. Iba iba ang kulay at porma noon kapag sumabog na sa kalangitan. Iyon ang dahilan kaya hindi na lumubay ang mga ngiti sa kanyang labi. From afar, a guy in all black clothes is pointing a camera on their spot. Taking a lot of photos in every angle that can be another headline the next morning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD