"Fix my schedule. I also want some update about our partnership with Rozziero... You can go home after that, ako na ang bahala sa date namin ni Kiara," sabi na lang ni Sir Xanthos habang nagtitipa sa laptop n'ya.
Napatango na lang ako habang nililista ang mga bilin n'ya. Kapag talaga tungkol sa asawa at mga anak n'ya, gusto n'ya siya mismo ang nagawa. Kahit suplado itong si Sir Xanthos, hindi ko makakaila na talagang mabuti siyang asawa at tatay... gago lang talaga siya noon, pero malaki ang pinagbago n'ya. Patay na patay kasi siya kay Kiara.
Ginawa ko kaagad ang mga utos n'ya para makagala na ako. Pupuntahan ko na lang ang mga friends ko since wala naman akong gagawin, saka busy rin si Xceron sa trabaho.
"Sir, okay na po. Maayos na po lahat. About Mr. Rozziero, he already signed the contract," sabi ko na lang.
Kahit naman close kami nang very light ni Sir Xanthos, may paggalang pa rin dapat at professional dahil boss ko pa rin siya.
Napatango na lang si Sir Xanthos saka inalis ang salamin n'ya sa mata. Natigilan ako nang seryosong tumingin siya sa akin... May iuutos pa ba siya?
"Denise... kumusta si Xceron?" seryosong tanong n'ya.
Napakunot na lang ang noo ko, bakit naman n'ya tinatanong 'yan?
"Okay naman," sagot ko na lang.
Napatango si Sir Xanthos. "That's good to hear... I know you're aware that Xceron used to be so f****d up just like me before."
Napatango na lang ako... Alam ko ang tungkol sa naging bisyo ni Xceron noon, pero nagbago na siya. Simula nang magkaroon kami ng relasyon, hindi na n'ya inulit pa 'yon. Masaya ako na isa ako sa naging daan para tuluyang magbago si Xceron... kaya sana magtuloy-tuloy ito.
"Hello, baby boy... Ginagawa mo?" tanong ko kay Xceron sa kabilang linya.
"Sa office lang, may inaasikaso. Punta ka?" paghirit pa n'ya.
"Ewan ko sa 'yo, beh. Kapag nagpunta ako, malamang maglalandian lang tayo," sabi ko na lang saka naglagay ng light lipstick.
Napapatingin sa akin ang mga babae na pumapasok sa cr dahil nakikipaglandian ako kay Xceron sa phone pero wala silang pake. Maghanap sila ng jowa kung gusto nila. Hihi.
"I missed you already," sabi na lang n'ya.
"Ako, hindi kita miss. Sawa na 'ko sa mukha mo, e," pang-iinis ko na lang sa kan'ya nang makalabas ako ng cr.
"Ang sama ng ugali mo," sabi na lang ni Xceron, na-i-imagine kong nakakunot ang noo n'ya ngayon.
"Joke lang, bebe. Sige, baba ko na 'to. Date na lang tayo mamaya. Bye, I love you!" Nag-'muah!' sound pa ako. Landi!
"Okay, sabi mo yan ha. I love you too, baby!"
Napahagikhik na lang ako at sumakay ng taxi papunta sa agency ng rich friend ko na si Angel Mendoza Cavalcante. Dati siyang artista pero tumigil na siya, sa ngayon, nagmo-model na lang siya. Nagpatayo rin siya ng sarili n'yang clothing line at make up company na bentang benta hanggang ngayon. Pupuntahan ko siya para mapalibre ng house and lot.
"Uy, Denise!"
Nakasalubong ko ang PA ni Angel dati na si Chan. Cute talaga ng lalaking 'to saka makinis. Minsan nga naiinggit ako kasi parang makinis pa siya kaysa sa akin. Maamo pa ang mukha n'ya samantalang ako... ito lang ako, simpleng babae lang.
Charot, hindi ako magpapatalo kay Chan 'no! Duh.
"Denise, nakatitig ka na naman sa akin," sabi ni Chan saka awkward na tumawa.
Napangiti na lang ako at lumapit sa kan'ya saka yumakap sa braso n'ya. "Skin care reveal naman d'yan," bulong ko.
Napaismid si Chan. "Safeguard nga lang."
"Weh?! Hindi ako naniniwalang safeguard lang ang dahilan kaya gan'yan ka-soft at ka-smooth ang skin mo! Damot," bulong ko saka tinusok tusok ang makinis n'yang pisngi.
"Ehem, excuse me."
Natigilan kami nang bigla na lang sumulpot si Cassian. Nakakunot ang noo nito sa akin saka agad na humawak sa wrist ni Chan at hinila palayo sa akin. Napakurap na lang ako sa ginawa n'ya.
"May kailangan ako kay Chan. Mauuna na kami," sabi na lang ni Cassian saka basta hinila si Chan.
Napanguso na lang ako dahil bukod sa hindi ko nalaman ang sikretong skin care ni Chan, ang cute din nila ni Cassian. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila nire-reveal na may relasyon sila kahit obvious naman. Wala namang mali kahit parehas pa silang lalaki. Cute nga nila, e.
Kung lalaki kaya ako, mamahalin pa rin ako ni Xceron?
Napasinghap ako at agad na kinuha ang phone ko para tawagan si Xceron, wala pa yatang one second, sinagot na n'ya ang tawag... Wow, patay na patay siya sa 'kin.
Shet, ganda ko talaga... Lumuhod kayo, mga alipin.
"Why, baby?" tanong n'ya sa kabilang linya.
"Ang hot naman ng boses mo, beh. s*x nga tayo riyan sa office mo."
"H-Huh?" tila natigagal si Xceron sa sinabi ko.
Napailing ako. My goodness, na-distract agad ako sa hot na boses n'ya!
"I mean! I mean... may tanong lang ako," sabi ko na lang saka nag-cross arms. Serious mode muna ako.
"Hmm? Go ahead and ask," sabi n'ya. Naririnig ko na nagbubuklat siya ng mga files sa kabilang linya.
"Kapag ba naging lalaki ako, mamahalin mo pa rin ako?" nakataas-kilay na tanong ko.
Natahimik siya sa tanong ko. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil tila nahihirapan siyang sagutin ang tanong ko. I can't take this! I feel so betrayed!
"I-I'm not sure, baby," sagot na lang n'ya.
Napataas ang kilay ko. "Ah, gano'n? Ang unfair mo naman, Xceron Archante. Alam mo bang ako, mamahalin pa rin kita kahit maging babae ka?!"
Tinawanan lang ako ni Xceron sa kabilang linya. "Oo na, mamahalin pa rin kita kahit maging lalaki ka."
"Ay, wow. Napilitan. All this time hindi naman pala true love ang nararamdaman mo," napaismid ako.
Trip ko lang mag-inarte kasi bored ako... Love you, bebe boy Xceron.
"Mas maganda kung tapusin na lang natin 'to, Xceron. Ayoko sa lalaking hindi ako tatanggapin kahit magkaroon ako ng tite. Bye."
Muli lang akong tinawanan ni Xceron. "I love you, baby. Text mo na lang sa 'kin kung saan mo gusto magpasundo, hmm? Let's have a date later. I love you ulit."
Napanguso ako. "I love you too."
Marupok.
Pagkatapos naming magtawagan ni Xceron, pinuntahan ko na lang agad si Angel. Sakto na kasalukuyan siyang may photoshoot. Pinanood ko na lang sila habang hindi pa sila natatapos... Hindi ko maiwasan humanga habang pinapanood si Angel. Halatang professional na talaga siya sa ganito.
"Okay na, I'm tired," biglang sabi ni Angel saka umalis na sa pwesto n'ya.
Napaawang ang labi ng photographer. "Ma'am Angel, we need at least 5 more shots para maraming mapagpilian."
"I said I'm tired na nga, diba? Kung gusto n'yo ng model na hindi napapagod, sana robot na lang ang kinuha n'yo," sabi ni Angel at kumuha ng towel saka napairap.
Punyeta talaga 'tong babaeng 'to, ubod ng maldita.
Natigilan siya nang mapatingin sa akin. Napataas ang kilay n'ya saka lumapit at umupo sa tabi ko at nag-de kwatro. Humarap ako sa kan'ya saka ngumiti nang matamis... Ang ganda talaga ng babaeng 'to, kaya ang lakas loob magmaldita. Minsan nga gusto ko siya sungalngalin, e, pero 'di ko ginagawa dahil palagi n'ya kong nililibre.
Charot, nadukot lang ako sa wallet n'ya minsan.
"What brings you here, Denise?" Napairap siya. "My goodness, you're so ugly," maarteng sabi n'ya.
Putragis na babae 'to!
"Wow ha. Ganda ko kaya. Sabi pa nga ni Xceron, ako ang pinakamaganda sa paningin n'ya." Kinindatan ko siya.
"Kung gano'n, may problema siya sa mata," sabi na lang ni Angel saka uminom ng tubig.
Bwisit naman. Bakit ba kasi ito pang babaeng 'to ang pinuntahan ko? Dapat si Kiara na lang o Liah para matitino. Pwede rin namang si Nathalie kaso lakas tama no'n lagi.
"Angel, may tanong pala ako..."
"Hmm?"
"Tingnan mo 'tong mga pictures ko." Agad kong kinuha ang phone ko mula sa bag saka ipinakita sa kan'ya ang pictures ko roon. Ito ang mga pictures na ipinasa ko sa modelling agency. "Ano'ng tingin mo? P-Pangit ba? Trying hard?" kinakabahang tanong ko.
Bukod sa professional na si Angel sa pagmo-model, alam kong prangka siya kaya sa kan'ya ako nagtanong. Tinitibayan ko lang ang sikmura ko dahil baka ma-hurt ako nang bongga sa criticism n'ya.
"Wow, I didn't know you're good at modelling," biglang sinabi ni Angel habang bina-browse ang pictures ko.
Napasinghap ako sa sinabi n'ya. "W-Weh? Talaga? Baka ino-okray mo lang ako?"
"I'm not kidding. You can improve your poses naman, but what I really like about this is your facial expression. It's really on point. You can look sweet, sexy, fierce naturally. You'll be a great model," seryosong sabi n'ya habang tinitingnan ang pictures ko.
Pakiramdam ko nagb-blush ako na parang teenager ngayon. Shuta, hindi ko in-expect na kikiligin ako sa lumalabas sa bibig nitong si Angel. Kilala ko ang babaeng 'to, hindi nito ugali mang-sugarcoat.
"OMG, crush na yata kita, Angel! Gusto na kitang agawin kay Zak!" napatili ako at niyakap siya. Asawa ni Angel si Zak... Dati rin siyang leader ng organisasyon nina Xceron na feroci.
Napaismid na lang si Angel. "Kahit babae ka, papatayin ka n'ya kapag narinig n'ya 'yan," nagkibit-balikat siya.
Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi n'ya at niyakap siya nang todo. Sobrang saya ko!
MAGANDA ANG MOOD ko. Sa sobrang ganda, baka yayain ko si Xceron makipag-s*x buong magdamag. Tuwang tuwa 'yon panigurado. Wala yata sa vocabulary n'ya ang pagod pagdating sa jugjugan.
"Sino'ng ka-text mo?" tanong ni Xceron habang abala sa pagmamaneho, pero nakakunot na ang noo n'ya.
Napatingin ako sa kan'ya at pabirong sinuntok ang braso n'ya. "Si Angel lang 'to, tange."
"Nagpapalibre ka na naman ba sa mga kaibigan mo? I gave you my credit card. Kahit bilhin mo pa lahat ng gusto mo... Bakit nagpapalibre ka pa sa iba? Nandito naman ako na boyfriend mo." Nakakunot na naman ang noo n'ya.
"Tange. Lambing ko lang sa kanila 'yon," katwiran ko... pero ang sarap nila lambingin ha. One time, nilibre ako ni Kiara ng mga damit na pang-isang taon na sweldo ko na yata nag halaga.
Nagdinner lang kami ni Xceron sa labas, pagkatapos dumiretso na kami sa unit ko. Trip na naman yata n'yang matulog dito, hindi na lang ako kumontra dahil gusto ko rin siya katabi. Wala rin naman gaanong iniwan na trabaho si Sir Xanthos sa akin.
"Lambingan time na ba this?" nakangising tanong ko kay Xceron na prenteng nakahiga na sa kama matapos kong mag-shower.
Tinalon ko siya sa kama saka pumatong sa ibabaw n'ya. Natatawang yumakap na lang siya sa baywang ko. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa dibdib n'ya habang hinahalik-halikan n'ya ang tuktok ng ulo ko.
Natigilan lang ako nang may pumasok sa isip ko. Inangat ko ang ulo ko saka tumingin nang masama kay Xceron. Nagtatakang napatingin na lang siya sa 'kin. "Bakit gan'yan ka makatingin?"
"Nagtatampo pa rin ako na hindi mo ako mamahalin kung lalaki ako." Inirapan ko siya.
"Sabi ko nga mamahalin na kita, diba?" natatawang tanong n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.
"Ewan ko sa'yo, beh." Ipinatong ko ang baba ko sa dibdib n'ya.
"Arte... Ganda ka?" tanong n'ya. Tinatawanan pa ako.
Walangyang 'to. Mukhang hindi maganda na natututunan n'ya ang mga words na pinagsasabi ko. Nagagamit na n'ya rin tuloy laban sa akin!
"Ah gano'n? Hindi ako maganda?" nakakunot-noong tanong ko.
Tinawanan lang ako ng mokong saka hinalikan ang labi ko. Napairap na lang ako at humalik din sa kan'ya dahil marupok ako. Naglandian na lang kami habang magkayakap.
"Xceron..."
"Hmm?"
Hindi agad ako nagsalita. Tahimik na hinahaplos n'ya lang ang buhok ko habang nakayakap sa akin. Tumingin ako sa kan'ya saka marahang hinaplos ang pisngi nya.
"Yung sinabi ko na gusto ko maging model... seryoso ako ro'n," anas ko.
Napakunot ang noo n'ya. Alam ko ng gan'yan ang magiging reaksyon n'ya, pero mas maganda ang sabihin ko na sa kanya nang maaga.
"Kahit ano naman ang sabihin ko, desidido ka na, diba?" tila labag sa loob na sabi n'ya.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tumango. "Gusto ko talaga magmodelo, Xceron... Kaya sana igalang mo ang gusto ko," bulong ko na lang.
Napabuntonghininga si Xceron at hinila na lang ako para yakapin. Hindi na lang din ako nagsalita at gumanti ng yakap sa kan'ya. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya saka hinalik-halikan 'yon, naglalambing sa kan'ya.
"I love you, Ron..." bulong ko na lang.
"I love you more, baby," anas n'ya saka marahang hinaplos ang buhok ko.
"Pero hindi mo ba talaga ako mamahalin kung sakaling lalaki ako?" tanong ko saka tumingin sa mukha n'ya.
Kinurot na lang ni Xceron ang pisngi ko. "Tama na, Denise. Ang kulit mo," tila nanggigigil na sabi n'ya saka kinurot lalo ang pisngi ko.
Nagkulitan na lang kami buong gabi bago kami tuluyang natulog.
NAPANSIN KO NA hindi na naman nagpaparamdam si Xceron nitong mga nakaraang araw. Alam ko na dumaraan talaga siya sa ganitong phase kahit noong hindi pa kami magkarelasyon. Kahit si Sir Xanthos ay nasanay na lang sa ganoon. Nag-text naman siya sa akin na may pupuntahan lang siya... pero alam ko na ang gawain n'yang 'yon.
Akala ko okay na dahil isang taon n'ya ng hindi ginagawa 'yon, simula nang magkaroon kami ng relasyon. Nakampante ako dahil ayos naman kami... masaya naman kami at akala ko walang dahilan para dumaan na naman siya sa ganoong phase... 'yung bigla siyang nawawala.
Napatingin na lang ako sa cellphone ko habang nagpupunas ng buhok. Hanggang ngayon hinihintay ko na mag-text siya. Napailing na lang ako at humiga at pinilit na matulog.
Maya maya pa, napadilat ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Natigilan ako nang makitang si Xceron 'yon. Hindi siya kumibo at humiga lang sa tabi ko saka niyakap ako na para bang hindi n'ya ako pinag-alala.
"Xceron... ginagawa mo na naman ba ang gawain mo noon? Bigla ka na lang mawawala at mababalitaan ko na lang na--"
"Nagtrabaho lang ako, Denise. Wala kang dapat ipag-alala," bulong n'ya saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Napabuntonghininga na lang ako at hindi na nagsalita. Yumakap na lang din ako sa kan'ya at sinubsob ang mukha ko sa leeg n'ta.
"Okay... pero kapag may bumabagabag sa'yo, magsabi ka sa 'kin, hmm?" tanong ko. "Handa naman akong tulungan ka."
Naramdaman kong napangiti si Xceron saka hinaplos ang buhok ko. "Yes, baby. I'll keep that in mind."
Kahit papaano, para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi n'ya. Napangiti na lang ako at napapikit habang nakayakap sa kan'ya... ang komportable talaga lagi sa tabi n'ya. Ang init palagi ng yakap n'ya.
"I love you, Xceron," bulong ko.
"Hmm, sarap naman marinig n'yan... mas mahal kita," bulong n'ya rin saka dinampian ng halik ang noo ko.
Napangiti na lang ako bago ako tuluyang hinila ng antok.
NAGISING AKO NANG marinig si Xceron na sumigaw sa tabi ko. Napabangon si Xceron habang hinihingal. Pati ako ay napabangon. Nag-aalalang napatingin ako sa kan'ya.
"X-Xceron... ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
Mukhang binabangungot na naman siya.
Napahilamos na lang si Xceron sa mukha n'ya saka tumingin sa akin at ngumiti. Hinaplos n'ya ang mukha ko saka dinampian ng halik ang noo ko. "I'm fine. It's just a nightmare... I'll just drink water," sabi na lang n'ya saka bumangon at lumabas ng silid ko.
Tahimik na hinabol ko na lang siya ng tingin. Napalunok na lang ako at napayakap sa mga tuhod ko at napatitig sa sahig.
Si Xceron... kayang kaya n'yang alisin ang lahat ng pag-aalinlangan at takot sa puso ko sa simpleng yakap n'ya... Pero ako, pakiramdam ko hindi ako sapat para maalis ang lahat ng bigat na dinadala n'ya sa dibdib n'ya.