Chapter Nine

2975 Words
Adria Patrice Adelizia I puffed on my cigarette and put my favorite knife on the table. I sighed and looked at the night sky. I took my wet wiped and wiped the blood on my hand. My mission became bloody messy. Ayokong ayoko pa naman na nadudumihan ng dugo ang katawan ko kada misyon. Palaban ang pinatay ko ngayong gabi at talagang nanlaban. "Pat! I love you!" I just rolled my eyes when I heard Agent Vaidehi's voice, one of our organization's spy. She's my friend, though she's annoying most of the time. Maingay siya at madalas nakakairita. Naiisipan ko na nga na lumipat na ng tinutuluyan para hindi na n'ya ako nahahagilap. "Wow, you look cool talaga as always! Kinikilig ako sa'yo! Ayaw mo ba talaga ako jowain?" she asked and pouted like a kid. I just rolled my eyes at her and puffed on my cigarette. She admitted being romantically in love with me, though I don't know if I'm gonna take it seriously. Marami na rin naman ang nagkagusto sa aking mga babae sa organization namin. Sa totoo lang, puro babae na lang ang nagkagusto sa akin simula ng kalimutan ko na ang pagiging babae. I honestly don't mind really. I can also imagine myself ending up with a woman... That's much convenient. Ayoko sa mga lalaki. They always want to be dominant over women. I hate those type of guys. I don't want to be dominated by any male species. "I don't know, I feel nothing towards you. If I like you, romantically, I'll definitely date you," sabi ko na lang saka napabuga ng usok. Pinatunog ko ang buto ko sa leeg, masakit ang buong katawan ko. Ilang gabi na akong walang tulog dahil sa mga misyon. Maybe this is the downside of being one of the most skilled assassin in our organization, Umbra. Calliope, our leader that we also consider as our queen, depends on me a lot. Malaki ang tiwala nito sa akin kaya madalas ako nitong i-assign sa mga importanteng misyon. "Umuwi ka na, magpapahinga na 'ko," sabi ko na lang kay Vaidehi saka tumayo. "Huy, kakapunta ko lang, papaalisin mo na agad ako." I just shook my head and removed my black leather jacket, my boots, and my leather pants. Hinubad ko na rin ang puting fitted sando ko, leaving me with only underwear and bra. I just tossed my clothes somewhere. I heard Vaidehi giggled behind me. "Ang swerte ko talaga! Ako lang ang nakakakita sa'yo na maghubad! OMG! Kinikilig ako, mag-s*x tayo, please!" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Vaidehi at nagpunta na lang sa bathroom. Medyo madilim sa tinutuluyan ko. Sa abandonadong apartment ako tumutuloy ngayon. I have all the power and money to live in luxurious condominiums but I prefer living in this place. Walang nakakahanap sa akin sa lugar na 'to. Tahimik din dahil walang katao-tao at ibang nakatira. Vaidehi asked me how did I manage to sleep peacefully in a gloomy and dark place like this, but well, I'm used to it. Mas gusto ko ang ganito. I looked at myself in the mirror. I touched the long slanted scar on my face. There are times that I find this scar disgusting, but I'm happy that no one made me feel that way so far. Vaidehi always says that I looked hot with it... The moment I had this scar, I also forgot being a woman. Sa marangyang pamilya namin, hindi na tatanggapin ang katulad ko. They value appearance that much that they are willing to disown their own family and blood. Madalas ipagkasundo ang pamilya namin sa ibang pamilya, walang tatanggap sa babaeng tulad ko na may peklat sa mukha. Lalo na at mayayamang pamilya ang ipinagkakasundo sa amin. I looked at myself in the mirror once again. There's no hint of being womanly on my appearance. Gupit lalaki ang buhok ko at medyo ma-muscle ang katawan. I have faint abs too. I'm comfortable this way anyway. Being physically strong makes me feel confident about myself. Nang matapos akong maligo, lumabas na ako ng bathroom. Buti na lang at wala na si Vaidehi paglabas ko, pero nag-iwan siya ng pagkain sa mesa. Siguro alam n'ya na makakaligtaan ko na naman ang kumain. I just took the paper bag and went to the veranda. I sat on the chair and took the box full of fried chicken. May kasama pa 'yong beer. Napangisi na lang ako at kumagat sa chicken saka binuksan ang beer. Lulubusin ko ang ilang araw na pahinga ko. I just sighed and stared at the moon and stars. Everything was still vivid to me, the way I end up this way. Not that I regret living like this though. Mas ramdam ko pa ang pamilya sa organisasyon namin kaysa sa totoo kong pamilya. They saved me when I was at my lowest, they saved me from danger... and they saved me from myself. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapagbayaran ang lahat ng ginawa nila para sa akin. Napatingin ako sa phone ko nang mag-text si Calliope. Agad kong binasa ang text n'ya. Hello, bebe Pat! Sorry kung pinagod kita sa misyon ng ilang days huhu. Pahinga ka muna for about a week. Nag-send na ako ng pera sa bank account mo. Enjoy your rest week! Love you! Napangisi na lang ako. I bet no one will expect that the invincible queen and the strongest assassin of Umbra acts like this. She's one of the strongest assassin that I knew. She's brutal and merciless when it comes to her mission. Pinapakita n'ya lang ang soft side n'ya sa mga kasama namin sa Umbra. Mga babae lang ang miyembro ng Umbra. We are a group of assassins who only accepts job and requests from women like us. Misyon naming patayin ang mga nais ipapatay ng mga babaeng tumatawag sa amin. We killed a lot of rapists, s*x offender, drug lords, and a lot of powerful people out of their request. Madalas nagbabayad sila ng malaki, pero minsan libre ang serbisyo namin. Calliope may be a merciless queen but she has a soft heart, lalo na sa mga babaeng biktima na walang pera para tulungan ang sarili nila. Siguro iyon ang dahilan kaya halos lahat kami ay napamahal na kay Calliope. Natigilan ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napairap na lang ako nang makita ang pangalan ni Cleobella... this b***h. She's also a skilled assassin of Umbra. She's often called as the seductress of our org. Kung may matatawag na pinakamaganda sa organisasyon namin, siya na siguro iyon. "What is it this time, Cleo?" I still answered her call. Hindi naman ako nakakatiis sa kanila. "Pat! Kill someone for me, please! Kill someone from feroci! Argh!" "Feroci?" I asked. Feroci is a secret organization full of powerful men who kill people because of their selfishness. Actually, they used to be a secret organization, pero nagiging matunog ang pangalan nila lalo na sa underground society dahil sa kapangyarihan nila. They are just bunch of meathead in my eyes. Mga lalaking gusto lang ng kapangyarihan at mang-apak ng mga tao. Mga katulad nila ang kinaiinisan ko sa lahat. "Yes! His name is Caius Lettiere! My goodness, I hate him so much!" pagmamaktol pa ni Cleo. I sighed and rolled my eyes. "Why should I kill him? You know I won't kill someone for no reason, unless it's the queen's order," I said and drank my beer. That's true. Handa akong pumatay kahit walang dahilan kung si Calliope ang mag-uutos. "Siyempre may dahilan! I met him at the bar kanina and he's so freakin' hot like OMG! But I was disappointed kasi may asawa na pala siya and hindi niya man lang ako pinansin. Hindi ko matanggap... Kaya gusto kong patayin mo siya." Napairap na lang ako... sabi na nga ba walang kwenta na naman ang dahilan n'ya. "No, I won't kill him just because of that nonsense reason. If you really want him to die, just kill him yourself." "No! I can't kill him, b***h! Sa sobrang hot n'ya, hindi ko 'yon magagawa!" Napailing na lang ako at pinatay ang tawag. Magsasayang lang ako ng oras kung makikipag-usap pa ako sa kan'ya. I just brushed my teeth and went to bed after that... Sasamantalahin ko na lang muna ang pahinga ko. I DID NOTHING aside from eating, sleeping, and watching movies during my rest week. Hindi tumawag o nag-text si Calliope. Hinahayaan din naman n'ya kasi kaming magpahinga. Kung minsan siya pa ang namimilit na magpahinga kami. "Hey, hottie!" Napatigil ako sa pagsusuot ng leather jacket ko nang marinig ang boses Vaidehi. Basta na lang talaga siyang pumapasok sa bahay ko. "Hey," I just greeted her back. "Pinapatawag ka na ni Calliope, you know," nagtaas-baba pa siya ng kilay. I just smirked and nodded. I feel refreshed now. Handa na ako sa bagong misyon. Nagtungo na kami ni Vaidehi sa headquarters ng Umbra. Hindi ganoong karami ang miyembro ng organisasyon namin. We only have 34 members but they are all skilled. Talagang sinanay kaming lahat ni Calliope. All of the members here are personally trained to be a skilled assassin by Calliope herself. Nang makarating na ako sa meeting room, si Rejz at Cleo lang ang naabutan ko roon. Panay ang daldal ni Cloe habang si Rejz naman ay tila walang pakialam sa sinasabi nito. Rejz is probably the most heartless and merciless assassin of our organization. She can kill lots of people with just a blink of her eye and with no hint of emotion. Matagal ko na siyang kilala, but she's still a mystery to me. Hindi naman kasi siya gaanong pala-kwento. "Hello, ladies! OMG, Pat! Kanina ka pa ba naghihintay?" Napatingin ako kay Calliope nang marinig ko ang boses n'ya. Agad siyang yumakap sa akin saka hinalik-halikan pa ang pisngi ko. Napairap na lang ako at hinayaan siya. Sunod siyang lumapit kina Rejz at nangulit sa mga 'to. If someone outside our org saw this side of her, baka lumuwa ang mga mata sa gulat. "Oh, back to our agenda... May mission pala ako para sa'yo, Patrice," sabi ni Calliope saka tumingin sa akin. "Okay, go ahead and tell me... Gagawin ko agad," sabi ko na lang. Calliope smiled at me before she spoke. "I want you to kill a feroci member... Alam mo ang feroci, diba?" Natigilan ako sa sinabi n'ya saka napatingin kay Cleo. Napakurap na lang si Cleo saka nagkibit-balikat, tila ba sinasabi n'yang wala siyang kinalaman doon. Muli akong tumingin kay Calliope. "Sino?" tanong ko na lang. "One of feroci's best strategist, Xceron Archante." Natahimik na lang ako sa sinabi n'ya. Xceron Archante... his name doesn't ring a bell. Si Arken Zaviere at si Cadence Lettiere lang ang kilala kong member ng feroci dahil matunog ang pangalan nila. "Why should I kill him? Ano ang report tungkol sa kan'ya?" tanong ko na lang. Napaiwas ng tingin sa akin si Calliope. "You can kill for me without giving you any reason for it, right?" tanong n'ya. Natigilan ako... So this is one of those rare mission in which Calliope doesn't tell me the reason behind it. Kapag ganoon, madalas sa huli na n'ya sinasabi kung bakit, pero kahit hindi naman n'ya sabihin, gagawin ko pa rin basta siya ang nag-utos. Tumango ako. "Okay, I'll start right away. Cleo, give me reports and information about him," utos ko kay Cleo. "Ow... 'kay," sabi na lang ni Cleo saka kumindat sa akin. "Don't rush, Pat. This time, there will be no deadline. Take your time. Remember that he's a feroci member, killing him won't be easy. Don't underestimate him," Calliope warned me. I just touched my nape and nodded. "Okay, I'll go ahead." Lumabas na ako ng meeting room. Nagtungo na ako kay Shreya na malamang nasa weapon room lang. Siya ang nagha-handle at nagpo-provide ng mga armas na gagamitin namin sa mga misyon. She's incredibly smart that she can invent or make new firearms and weapon. She's not that good at combat and fighting but she's hella smart and intelligent. She's the brain of Umbra. "Hello, Pat," Shreya greeted me. Inayos n'ya ang salamin n'ya sa mata saka ngumiti sa akin. "Hey. I just need a gun and another ahm... that knife that can become a sword," sabi ko saka napakamot sa kilay ko... Ano ngang tawag doon? "Ah! Okay," tila excited na sabi ni Shreya saka inihanda na ang mga kailangan ko. Pagkatapos ko kay Shreya, pinuntahan ko naman si Cleo. Sakto na handa na ang mga files tungkol kay Xceron Archante. Agad akong umalis ng HQ at nagpunta sa malapit na coffeeshop para i-browse ang mga impormasyon tungkol sa Archante na 'yon. "Hmm... His looks aren't bad," I mumbled. Based on his pictures, he's actually handsome... but I honestly don't care. Uminom na lang ako ng frappe habang binubuo sa isip ko ang plano ko. Based on Cleo's reports, Xceron Archante was at his lowest for the past three years. Napangiwi na lang ako dahil mukhang magiging madali lang ang misyon na 'to, pero kailangan ko pa ring planuhin nang maigi. "One martini please," sabi ko na lang sa bartender pagpasok ko sa bar. I looked at the man who's siting on three seats away from me. I just smirked when I confirmed his identity in my mind... Xceron Archante. Man, he looks f****d up. Mukhang lasing na lasing na ito pero tuloy pa rin sa pag-inom. Napangisi na lang ako at ininom ang martini habang pasimpleng pinagmamasdan siya. May mga babaeng lumalapit sa kan'ya pero hindi n'ya pinapansin ang mga 'yon. It seems like he doesn't even have the strength to talk to them. Napailing na lang ako at umalis ng bar... I'll observe him more. FOR THE PAST DAYS, I spent my time observing Xceron Archante and planning my mission to kill him. Sa mga araw na 'yon, palagi ko lang siyang nakikita na nag-iinom, tila wala sa sarili at walang pakialam sa paligid n'ya. I don't know what he's up to... I just don't feel good killing a helpless man like him. Gusto ko kapag pinatay ko, ay yung may kakayahang lumaban pabalik. Hindi ako nag-e-enjoy patayin ang mga tulad n'ya. Tahimik na nakamasid lang ako kay Xceron Archante nang pumasok na siya sa unit n'ya. I installed a hidden camera inside his unit and observed his moves. Wala naman akong nakitang kakaiba, palagi lang siya tulog, nakain, o kaya naman ay nag-iinom. Nang makapasok na si Xceron, tiningnan ko mula sa phone ko kung saan naka-connect ang hidden camera ang naging kilos n'ya. Agad na siyang humiga sa kama na palagi n'yang ginagawa. I just hid my phone inside my pocket and took my knife. I'm good with guns but I'm better with knives or sword. But I still brought a gun with me incase. I sneaked inside his unit as quiet as possible. I went inside his unit through the balcony. Binuksan ko ang glass sliding door mula roon. Inasahan ko ng uuwi siya na lasing kaya in-unlock ko na ang pintong ito kanina. Hassle kapag sa mismong pinto ako dadaan, tutunog ang pintong 'yon kapag in-unlock ko. Dahan dahan akong humakbang papuntang kama, nandoon si Xceron Archante at natutulog, nakatalukbong pa ng comforter. Hinanda ko na ang kutsilyo ko at akmang isasaksak 'yon nang may mapagtanto ako. Agad na nanlaki ang mga mata ko at inalis ang comforter. Bahagya akong napaatras nang makitang mga unan lang ang nandoon. Fuck! I was careless! Umatras ako at akmang pupunta na sa balcony para tumakas ngunit natigilan na lang ako nang may humawak sa braso ko at hinila ako. Napasinghap na lang ako nang tadyakan ako nito sa sikmura, halos tumalsik ako sa lakas no'n at bumangga pa ang likod ko sa pader. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. "Hey... just what do you take me for, huh?" I touched my stomach and glared at him. Xceron Archante comfortably sat on his bed and smirked at me. The smirk on his lips infuriates the hell out of me. Nadala ako ng emosyon ko. I immediately stood up. Sinugod ko siya ng kutsilyo ko pero agad n'yang nahawakan ang kamay ko. Napasinghap na lang ako nang sipain n'ya ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Xceron Archante gripped my nape and pulled my face closer to his. I gritted my teeth. He's fast and his attacks are stronger than mine... maybe I need to get serious this time. I won't let him underestimate me. I immediately clenched my fist and punched him on the face. Nawalan siya ng balanse at napahiga siya sa kama. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na pumaibabaw sa kan'ya. I took my knife and was about to stab his chest but he immediately gripped my waist and switched our position. He pinned my wrists on top of my head with just his one hand. He tilted his head and smirked. Pinunasan n'ya ang maliit na sugat sa gilid ng labi n'ya saka malamig na tumitig sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko roon, marahil ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong kilabot sa kalaban ko. "L-let me go, asshole," I mumbled and tried to escape from his grip. Kinuha n'ya ang baril n'ya mula sa likuran saka itinutok 'yon sa noo ko. Hindi ako nagpakita ng takot at nanatiling nakatingin nang masama sa kan'ya. Xceron Archante smirked before he spoke. "What do you need from me, hmm?" He stared at my face. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig siya sa peklat ko sa mukha... How dare he stare at me like that?! Lahat ng lalaking tumitig sa mukha ko nang gan'ya ay binugbog ko. Xceron Archante gripped my jaw and made me face him. "Adria Patrice Adelizia of Umbra..." he mumbled in a low tone. "You just underestimated a feroci member."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD