"Of course, Pat! You can take a break. Ano ba? Ilang beses na kita pinilit magpahinga sa trabaho pero ikaw 'tong matigas ang ulo!" panenermon ni Calliope sa kabilang linya. "Thank you. Ahm... magpapahinga lang ako ng ilang araw--" "Kahit gaano pa katagal 'yan! Take your time. Mag-enjoy ka at magpakasaya, magrelax. Alam mo namang 'yon talaga ang gusto kong gawin mo, diba? You really deserve to take a rest, Pat. Kaya h'wag mo isipin ang trabaho. Bumalik ka kung kailan mo gusto," sabi na lang ni Calliope. I just smiled and nodded even though she couldn't see me. "Thank you, my queen. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa'kin." "H'wag ka ngang gan'yan! I'm gonna cry na, sige ka! You know that I love you so much, right? Gusto kong sumaya ka na talaga. I love you, my cutie Pat! Enjoy your