"O-okay na 'ko! Stop hugging me!" Pinilit kong itulak si Xceron palayo sa akin pero mas hinila n'ya lang ako sa bisig n'ya saka niyakap. Mas lalong nag-init ang buong mukha ko nang maramdaman kong inamoy n'ya ang buhok ko saka mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Shh, let's just sleep. Hmm? Inaantok na 'ko... Saka diba sabi ko, maging mabait ka sa'kin," sabi na lang n'ya saka hinaplos ang likod ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napakapit nang mahigpit sa damit n'ya. Naramdaman kong napangiti si Xceron sakas mas yumakap sa akin. Pakiramdam ko nagliliyab ang pisngi ko dahil sa ginagawa n'ya ngayon. This day was chaotic. I let him see my weakness and now he's playing with me on the palm of his hand! I still can't believe that I cried like a lost child in front of him. Sigu