------ Cherry's POV - Kahit nakaalis na si Draeven pero ang lakas pa rin ng t*bok ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang kabahan ng sobra. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko. Nanghina ako na napaupo. Hindi naman ako natakot noon, pero ngayon na si Draeven na ang nanakot sa akin, yong takot na naramdaman ko ay hindi ko kayang ipaliwanag. Masyado na nga akong stress ngayon dahil sa nangyayari sa shop, idagdag pa itong pananakot ni Draeven sa akin. "Lord, sana hanggang pananakot lang si Draeven. Aminado ako na may mga kasalanan ako pero pinagsisihan ko na ang mga iyon at hiningi ko na ng tawad ang mga iyon sayo. Alam mo naman na hindi ko sinasadya ang mga iyon. Please, tulungan mo ako. Kung mawawala sa akin itong shop, wala na akong pera para ma- e- donate sa simbahan. Kung makulong ako