------- ***Third Person's POV*** - "Pakawalan nyo ako, mga walang hiya kayo!" nagsisigaw si Cherry, pinilit syang isakay ng mga ito sa luggage compartment ng kotse. Kahit anong pagpupumiglas nya, hindi sya makawala sa dalawang kampon ng kadiliman na humihila sa kanya. Ginawa nya ang makakaya nya para makawala sa dalawa pero napakalakas ng mga ito. May sa- d*monyo yata ang mga ito kaya ubod ng lakas ng mga ito. Hanggang sa nagawa na nga ng tuluyan ng mga ito ang maitim na plano. "A- Anong gagawin nyo sa akin? P- Papatayin nyo ba ako?" tanong nya, tinapangan pa rin nya ang boses nya. Hindi sya dapat magpapatalo sa takot nya. Hindi nya bibigyan ng satisfaction ang dalawang ito. Patagilid syang nakahiga sa compartment habang nakagapos ang mga kamay nya sa likod nya. Nahihirapan sya sa p