"Honey, wake up," dinig ko ang boses ni Harris. "Aaaahhh...inaantok pa ako, pwede bang mayamaya na lang tayo umalis," pakiusap ko habang nakapikit ang mga mata. "Honey, kailangan na nating umalis ngayon, sa kotse ka na lang matulog," wika nito. Kaya bumangon na lang ako. Nagulat pa nga ako nang bigla niya akong halikan nang mariin sa aking labi.kaya na pamulat tuloy ako ng mga mata. Tuluyan ng nawala ang antok ko sa ginawa ni Harris. Saglit lang naman ang halik nito. Ngunit bago taposin ang halik ay mariin muna nitong kinagat ang ibabang labi ko. "Arayyy!" bulalas ko, sabay tulak dito. Masamang tingin ang ibinigay ko rito. Ngunit nakangisi lang ito sa akin. Ang sarap sipain ng lintik na lalaking ito. Tumayo ako upang lumabas na. Nakahawak naman ito sa bewang ko, kaya lang hindi pa k