Naka-alalay pa rin ito sa akin kahit na alam naman nitong marunong akong lumangoy. Agad kaming pumunta sa likod ng malaking bato. Nagmamadali akong tumungtong sa roon. Ngunit bigla may pumasok sa aking isip na baka mayroong buwaya rito sa ilog. Katulad noong mga napapanood ko sa tv. "Hey, honey! Ayos ka lang ba? Saka, dahan-dahan kang sa iyong pag-akyat sa bato at baka madulas ka," paalala ni Harris sa akin. "B-baka kasi mayroong buwaya o 'di kaya ay malaking ahas dito," kinakabahang sagot ko sa lalaki. "Wala ritong buwaya honey. Pero malaking ahas meron at ito ay nanunuklaw at pumapasok sa loob?" wika nito habang nakatitig sa akin. "K-kailangan na nating umalis dito at baka magambala natin ang sinasabi mong ahas," wika ko, bahang nakatingin sa tubig. Diyos ko po baka nga biglang lum