Sean Pumasok s'ya sa guest room kung saan n'ya pinatulog si Samantha. Napasulyap sa sofa, alam n'ya at sigurado syang kayang-kaya nyang makuha si Samantha ng walang kahirap-hirap, kagabi sa mismong sofa na yon, pero hindi nya yon ginawa, malaking ang ginawa nyang pagtitimpi na huwag ituloy ang ano mang binabalak nyang gawin kay Samantha, kahit sya nagulat sa sarili kung paano nya nagawang kontrolin ang sarili na huwag angkinin si Samantha. Kilala nya ang sarili basta babae hindi nya tinatanggihan, pero kay Samantha, may kakaiba kay Samantha na hindi nya mapaliwanag, dahil sa kauna-unahang pagkakataon kapakanan ng babae ang inisip nya at hindi ang pansariling kaligayahan. Naupo sya sa kama kung saan inihiga nya si Samantha kagabi, binuhat pa nya ito papunta sa malaking kama, dahil ni hin