Chapter 7

1493 Words
Samantha Masakit ang ulo n"ya nang magmulat ng mga mata, pakiramdam n'ya umiikot ang buong paligid, sinalo ang nanakit na ulo at dahan-dahan naupo sa malaking kamang kinahihigaan. Napasandal s'ya sa headboard at kinapa ang salamin sa may side table. Mabilis na sinuot 'yon at ginala ang mga mata sa silid. Nanlaki ang mga matq, ng makitang wala s'ya sa sariling silid. Off white ang kulay ng buong paligid at kumpleto sa mga modernong kagamitan, at mukhang lahat mamahalin. Kumunot ang noo n'ya at pilit inaalala kung nasaan s'ya. "Oh god!" Bulalas n'ya ng maalalang nagpunta s'ya sa party ni Sean kagabi at niyaya s'yang uminom ni Sean. Naalala n'yang hindi s'ya nakatanggi kay Sean. Hindi lang n'ya maalala kung nakarami ba s'ya at nalasing? Naalala din n'yang pumasok sila ni Sean sa isang silid at naupo sa sofa. Mabilis n'yang nilingon ang tamang laki ng sofa sa may tabi ng malaking TV. Nanlaki lalo ang mga mata n'ya ng makita sa may ibaba ng sofa ang sapatos nya. Kinabahan s'ya at takot na takot s'yang niyuko ang sarili. Nakahinga s'ya ng maluwag ng makitang suot-suot parin n'ya ang itim na dress. Black sleeveless dress ang pinili n'yang isuot sa unang party n'ya. Naalala kasi n'yang sinabi ni Serena sa Gossip girl season one kay Jenny Humprey na black dress daw ang isuot pag a-attend ng unang party. Because black is elegant and classy. Although hindi ganoon kaganda ang black dress n'ya, kumpara sa mga suot ng mga babae sa party ni Sean. "Sean," bulong n'ya. Natuptop pa n'ya ang sariling bibig ng maalala ang halikan nila ni Sean. Natatandaan n'yang hinalikan s'ya ni Sean sa may sofa o tamang sabihin na s'ya ang humalik kay Sean. Muli s'yang napasulyap sa sofa, inaalala ang eksena sa kanila ni Sean kagabi. "Oh no!" Bulong n'ya at muling sinuri ang sarili. Pinakikiramdaman ang sariling katawan. Tinatanya kung may masakit sa katawan, wala naman s'yang kakaibang nararamdaman sa katawan, tanging ulo lang nya ang masakit, marahil napa dami ang nainom nya. Bumuntong hininga s'ya at mabilis na bumaba ng kama. Mabilis n'yang dinampot ang mga sapatos sa may tabi ng sofa, at halos takbuhin na n'ya ang pinto palabas ng silid. Pagbukas n'ya sa pinto, natigilan s'ya, hindi alam kung saan pupunta sa lawak ng pasilyo at sa dami ng mga pintuan. Ngayon lang n'ya napansin na malaki pala talaga ang bahay ni Sean. Kilala naman n'ya ang mga Monteverde, isa din ito sa mga may sinasabing pamilya sa bayan nila. Sa pagkakaalam n'ya may mga negosyo ang mga ito sa ibang bansa at sa Maynila. Kaya panay alis ng mag asawang Monteverde sa San Miguel. Kung hindi s'ya nagkakamali, kakabalik lang din ni Sean ng San Miguel, dahil sa London na ito nag-aaral. Ngayon lang din ito ulit bumalik ng San Miguel. Naglakad s'ya pakanan at hinanap ang hagdan pababa, hindi na s'ya dapat makita pa ni Sean. Nakakahiya ang mga nangyari kagabi dahil sa nainom na alak, hindi naman kasi s'ya talaga umiinom napilitan lang syang uminom dahil kay Sean. Pagkakita n'ya sa hagdan tumakbo s'ya pababa ng malaking hagdan na parang pampalasyo na. Hinihingal na s'ya ng makababa ng hagdan. Ginala n'ya ang paligid, makalat pa sa buong sala, puno ng bote ng beer at kung anu-ano pang mga kalat. Pero wala s'yang makita ni isang tao. Hinanap n'ya ang pinto palabas, pero bago pa s'ya makalapit sa malaking pinto, nakita n'ya si Sean, kakalabas lang mula sa isang pinto. Hindi s'ya sigurado kung ano ang pintuan na 'yon. Nanlaki ang mga mata n'yang napatingin rito. Napalunok pa s'ya habang pinaglalandas n'ya ang mga mata sa katawan nito. Wala itong damit pang itaas at tanging black boxer lang ang suot nito. Lumakas ang t***k ng dibdib n'ya, at hindi maalis sa gwapong kaharap ang mga mata. "Samantha," tawag ni Sean sa kanya. May kakaiba nanaman s'yang naramdaman ng banggitin nito ang pangalan n'ya. Pinatigas n'ya ang mukha, kailangan magalit s'ya rito para mapagtakpan ang kahihiyang ginawa nya kagabi. Inayos n'ya ang salamin sa mata. "I'm leaving!" Matigas na sabi n'ya at inis na binagsak ang sapatos sa makintab na tiles. "You are?" He asked sarcastically. "Last night was a mistake!" She said with gritted teeth, at yumuko para isuot ang sapatos. "Mistake? You've enjoyed it," sagot nito. Marahas s'yang nag angat ng ulo at masamang tingin ang pinukol n'ya rito. Alam n'yang hindi mangyayari 'yon kung hindi s'ya nito pinilit na uminom, pinilit nga ba sya? "I never-" "Sir, Sir!" Tarantang tawag kay Sean ng isang lalake na tumatakbo papasok ng bahay. Umagaw ito sa atensyon ni Sean, kaya hindi n'ya natuloy ang pangangatwiran n'ya rito. "What?" Iritang tanong ni Sean sa lalake. Marahil boy ng bahay. Sinulyapan n'ya si Sean na kahit yata naka kunot na ang noo, gwapo parin itong tignan Bumuntong hininga s'ya at sinimulang isuot ang sapatos na hindi n'ya maalala kung paano natanggal sa kanya kagabi. "May naghahanap po sa inyong lalake sa labas, galit na galit Sir" Sumbong ng lalake kay Sean. "Sinong lalake?" Tanong ni Sean. "Dela Serna daw po" Takot na boses pang sagot ng lalake kay Sean. Napa angat s"ya ng ulo ng marinig ng sagot ng lalake, nanlalaki ang mga mata n'yang napasulyap kay Sean. Nagkatinginan sila nito. Nakitang n'yang naggalawan ang panga nito at bakas sa mukha nito ang galit. "Harvey," bulong n'ya at binilisan ang pag suot sa sapatos. "Papasukin mo," utos ni Sean sa lalake at dali-dali namang tumakbo palabas ang lalake. "Oh my god!" Bulong n'ya at tumayo matapos maisuot ang sapatos. Sinuklay pa ang kamay sa nagulong buhok at inayos ang suot na dress. "Hinahanap ka na ni Dela Serna," Sabi nito. Hindi s'ya kumibo at nakita n'ya si Harvey na papasok ng pintuan, nasa mukha ang galit. Napakagat labi s'ya. Alam nyang pinagbilinan s'ya ni Harvey na mag-iingat kay Sean sa party, pero anong ginawa nya? Unang party palang n'ya natulog na s'ya kaagad sa mismong bahay ni Sean. Ano nalang ang iisipin ni Harvey sa kanya? O ano nalang ang iisipin ng mga nakakaalam na sa bahay ni Sean s'ya natulog? "Sam, are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Harvey at lumapit sa kinatatayuan n'ya. "Yeah," tanging nasagot n'ya. "Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ni Harvey kay Sean na kinagulat pa n'ya, bago pa s'ya maka react mabilis ng nakalapit si Harvey kay Sean at tinulak ito sa balikat. Hindi man lang natinag si Sean kay Harvey. "Harvey!" Tili n'ya at mabilis na lumapit kay Harvey at hinila ito sa braso, para ilayo kay Sean. "I know you Sean!" Tagis bagang na sabi ni Harvey at sinulyapan ang suot ni Sean na tanging itim na boxer lang. "What happened between us is not your f*cking business Dela Serna," galit na sagot ni Sean at sinulyapan sya. Nagtama ang kanilang mga mata at wala sa sariling idinikit ang katawan kay Harvey, nakaramdam kasi s'ya ng takot kay Sean. "F*ck you!" Galit na sigaw ni Harvey at marahas s'ya nitong hinila sa braso at lumakad palapit sa pinto. "Ah.... Harvey," tawag n'ya kay Harvey dahil halos kaladkarin na s"ya nito palabas ng bahay ni Sean. Sinulayapan n'ya si Sean na nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Galit din ito tulad ni Harvey. Bumuntong hininga nalang s'ya. "What happened?" Tanong ni Harvey habang binabaybay nila ang daan pauwi. "Nothing happened," sagot n'ya at nilingon ito. "Are you sure?" Paniniyak pa nito. "Harvey! Of course I am, I know if we... he...," hindi n'ya alam kung paano sasabihin o kung ano ang tamang salita sa bagay na yon. Sigurado nga ba s'ya na walang nangyari sa kanila ni Sean? Gaano s'ya kasigurado na walang ginawa sa kanya si Sean? Kilala si Sean na babaero, playboy lahat ng babae pinapatulan nito. May maniniwala ba sa kanya kung natulog s'ya sa bahay ni Sean at sabihing walang nangyari sa kanila ni Sean? "I believe you," sagot ni Harvey na sa kalsada nakatingin. "Yeah...." tanging sagot n'ya. Nakita naman n'ya sa mga mata ni Harvey na naniniwala ito sa kanya. "I called your Mom last night I told her, na sa bahay ka natulog" "What?" Gulat na tanong n'ya. Masyado yatang busy ang isip n'ya sa kakaisip kung ano nga ba ang nagyari sa kanila ni Sean, at hindi naalala ang mga magulang. Kung ano ang sasabihin ng mga ito na sa ka una-unahang pagkakataon hindi s'ya umuwi sa bahay nila. Aam n'yang nag-alala ang mga ito sa kanya. "Hinanap kita kagabi but, I guess Sean hide you from somewhere," sabi nito. Hindi s'ya kumibo, alam n"yang makikita s'ya ni Harvey kung hindi nga s'ya tinago ni Sean. Tinago nga ba sya ni Sean kay Harvey? "Tinatawag kita, then namatay ang cellphone moc" Patuloy nito. "My phone!" Usal n'ya at naalala ang purse na bitbit n'ya kagabi andoon ang cellphone n'ya at ilang mga gamit pa. "Where's your phone?" Tanong nito. "I forgot my purse at Sean house," Bulong nya at napakagat labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD