Mabilis ang lakad ni Aratiles papasok ng kumpanya. Hindi agad siya nagising ng maaga kanina. Paano, naglalambing si Andie na makipaglaro sa kanya. Kaya pinagbigyan ni Aratiles ang bata. Minsan lang naman ito naglambing kaya okay lang kay Aratiles nag movie marathon sila sa bahay at ang pinanood nila isang Disney Channel kung saan si Barbie ang bida. Di nila akalain na umaboy sila ng halos alas doce ng hatinggabi kaya naman tanghali na siyang magising. Mabuti na lang at walang pasok ang bata kaya hinayaan na lang niya itong matulog pa. Tulog pa ito ng iwan niya kanina sa kwarto niya. Halos mahintatukan siya pagpalabas niya sa elevator sa palapag kung saan ang opisina niya ng bumalagang bulaklak sa harapan niya. At hawak ito ng salarin na walang iba kundi si Timothy. "What the hell ar