Aratiles POV. Napailing ako matapos lumabas si Faith sa opisina ko. Ano na lang kaya ang ginawa niya sa loob ng two days na absent ako? Wala naman akong ibang inutos sa kanya maliban sa isang file na kailangan niyang gawan ng soft copy. Kung hindi lang magalit si Timothy ay baka tinanggal ko na siya kanina pa. Ang pinakaayaw ko pa nama sa lahat ay ang hindi agad gagawin ang mga iniutos ko. Kaya siguro nagpapasalamat ako kay Uncle Tonny na binayaran niiya ang mga nauuna kong mga assistant dahil ang kukupad magtrabaho. Si Timothy lang yata ang matino sa kanina. Speaking of Timothy, biglang nag-ring ng cellphone at siya ang tumatawag. “Hello,” sagot ko sa tawag niya. “Hi, My Queen, anong ginagawa mo?” malambing na wika nito sa akin. “Ito, stress na sa secretary mo dito,” parang bata na su