Chapter 18

2116 Words

Timothy POV. Nasa labas ako ng bahay ni Aratiles. Napaaga ang dating ko. Dapat 7pm pa ako pero quarter to seven pa lang ay narito na ako. Lumabas ako sa sasakyan ko at nag-doorbell. Medyo matagal bago may bumukas ang gate ngunit konti lang ang pagkabukas noon at may sumilip na matandang babae. "Magandang gabi po." pagbibigay galang ko rito. "Magandang gabi rin. Ano pong atin?" tanong niya na parang wala itong balak na pag buksan ako ng gate. "Sunduin ko po si Aratiles. May lakad po kami ngayon." sagot ko sa kanya. "Ah, ikaw ang kasama niya sa dinner meeting mamaya?" tanong pa nito. Medyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya na meeting. Ngunit ganun pa man ay sinagot ko na lang siya. "Opo." sagot ko. "Ah, sige. Sandali lang ha? Tawagin ko muna."Sabi nito. "Sige po." Sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD