Episode 4

2142 Words
"Hi, same order pa rin ba?" Kunot-noong napalingon si Ivan sa babaeng nagsalita. Ang akala niya kasi ang kapatid na niya ang pinakamadaldal sa buong mundo pero meron pa palang mas malala rito. At iyon ay ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi niya alam ang pangalan nito pero lagi niya itong nakikita rito sa restaurant kung saan siya madalas na kumakain. "Sharon, Ella!" tawag nito sa dalawang babae na laging naghahatid ng order niya. Habang naglalakad ang dalawang babae na tinawag nito ay halos mapunit ang mga bibig nito dahilan para mapaismid siya. Napapansin niyang laging nakatitig ang mga ito sa kaniya na ikinaiinis niya. "Ano 'yon, Madam Shaira?" tanong ng isa sa mga babaeng tinawag ng kaharap niya. "Pasuyo nman, pakidala ng order ni Mang Nicanor." Napangaiwi siya dahil siya ang tinutukoy nitong Mang Nicanor. 'Yon kasi ang pakilala niya rito. "Same order pa rin daw. Pakidala na rin ng almusal ko dahil sasabayan ko siya." Biglang sumama ang timpla ng mukha niya dahil sa huli nitong sinabi. Kaya nga sa sulok siya pumuwesto dahil gusto niya ng tahimik at hindi masyadong nakakaagaw ng pansin. Ayaw niya rin ng kausap o katabi. "'Di ba kumain ka na sa loob, Madam Shaira?" tanong naman ng isa pa. "Kaunti lang ang kinain ko, 'no?" "There are so many vacant tables in this restaurant, woman. So, if you don't mind, can you please transfer to another table and leave me alone?" Napabaling sa kaniya ang tatlong babae nang magsalita siya. Goodness! "What?" "Ang sungit mo naman," saad ng nagngangalang Shaira sabay pa-cute sa kaniya. Lumingon ito sa dalawang babae at sinenyasan nitong kunin na ang order nilang dalawa. "Gusto kong mapag-isa, Shaira. Kaya kung hindi mo mamasain, puwede bang lumipat ka na lang sa ibang lamesa? Tagalog na 'yon kaya sana naintindihan mo ang ibig kong iparating!" suplado niyang saad dito. Imbes na mainsulto ito sa sinabi niya ay mukang in-enjoy pa yata nito ang pagtataboy niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" naghahamon nitong sa kaniya. "This is my restaurant so I have the right to do whatever I want." "And that includes disturbing one of your customers while eating?" naiinis niyang tanong habang nakahalukipkip. "By the way, I like the way you call my name, huh! Shaira for now, but baby later. I will be your baby, sooner or later, Mr. Nicanor." "In your dreams." Hindi niya alam na ito pala ang may-ari nitong restaurant na kinakainan niya araw. Mukha kasi itong naglalaro lang. "Huwag kang magsalita ng tapos dahil hindi mo hawak ang kapalaran mo." Gustong-gusto niyang kumain dito dahil bukod sa kakaiba nitong mga menu ay masarap din ang pagkakaluto ng mga pagkain dito. "Transfer to another table, will you?" Umiling ito. "I just want to see your handsome face." Hindi niya alam kung papuri ba iyon o nang-aasar ito. Sabagay, nagsasabi naman talaga ito ng totoo. Wala naman kasing pangit sa lahi nila. "You're smiling," anito pagkuwan. "I'm not!" mariing tanggi niya. "Siguro ako pa lang ang babaeng nagsabi sa 'yo na guwapo ka, 'no? Uy, aminin," tukso nito sa kaniya. Hindi niya alam kung saan ito ipinaglihi dahil kanina pa ito salita nang salita kahit hindi naman niya ito gaanong kinakausap. "Here's your order, Ma'am and Sir, sarkastikong saad ng isa sa mga babaeng kausap nito kanina na Ella ang pangalan. Nang mailapag ng dalawang babae ang order niya ay nagsimula na kaagad siyang kumain. Samantalang ang kaharap niya ay bumubulong pa habang nakapikit na animo'y mangkukulam. "Bakit kumakain ka na?" sita nito sa kaniya pagdilat ng mga mata nito. "Dapat nagpapasalamat ka muna sa itaas dahil sa mga biyayang natatanggap mo! Ano ka ba naman!" pagalit nitong sabi sa kaniya. "Oo na!" Pumikit siya at taimtim na nagpasalamat para manahimik na ang kaharap niya. Pagdilat niya ng mga mata niya ay maluwag itong nakangiti habang nakatitig sa kaniya. "Ang cute mo talaga. May kapatid ka pa bang lalaki? Cute din ba siya kagaya mo, ha, Nicanor?" "Will you please stop calling me Nicanor?" "Bakit naman? 'Yon ang totoong pangalan mo, 'di ba?" Sa tantiya niya hindi siya mabubusog kapag araw-araw ganito ang sistema nila. Kaya imbes na kausapin ito ay binilisan na lang niya ang pagsubo niya ng mga pagkain na nasa harapan niya para makaalis na siya sa lugar na 'to. Kinalabit siya nito. "Gutom na gutom ka ba, Nicanor? Baka mamaya mabulunan ka riyan sa ginagawa mo, eh. Dahan-dahan lang, hindi naman kita aagawan, eh. Kailan ka ba huling kumain at ganiyan ka kung makasubo?" "Puwede bang tumahimik ka?" "Eh, kasi pinagtitinginan ka na ng mga tao rito, eh. Ang bilis mo kasing kumain." Dahil sa sinabi nito ay bigla niyang naigala ang paningin niya sa loob ng restaurant nito. Tama nga ito! Halos lahat nga ng taong naroon ay nakatingin sa kaniya habang nakanganga kaya naman kunwa'y pinagpagan niya ang sarili at pagkatapos ay umupo siya ng tuwid. "Gutom na gutom ka ba, Nicanor? Huwag kang mag-alala dahil marami pang pagkain sa loob," sabi ulit ng kaharap niya. "Mag-take out ka na lang kung gusto mo pang kumain. Ibibigay ko na lang din ng libre. Gusto mo pa ba?" Naiinis siya sa babaeng 'to kapag tinatawag siya nitong Nicanor. Nakakainit ng ulo! Napabuga siya ng hangin at dahan-dahan na lang ang ginawa niyang pagsubo. Hindi na rin niya tiningan ang katabi niyang ubod ng daldal. Nang matapos siyang kumain ay nag-iwan na lang siya ng isang libong piso sa babaeng kaharap niya at walang lingon-likod na naglakad palabas. Iyon naman lagi niyang ginagawa. Lagi siyang nag-iiwan ng isang libong piso kahit na wala pa sa dalawang daan ang presyo ng mga pagkaing kinain niya. Halos patakbo niyang tinungo ang sasakyan niya dahil sa kahihiyan na inabot niya sa loob. That woman! Kasalanan kasi ito ng babaeng madaldal na 'yon, eh! Napagkamalan pa tuloy siyang patay-gutom! Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan niya ay agad niyang pinaharurot iyon. Wala pang labing limang minuto nang makarating siya sa bagong bahay na binili niya. Sa labas na lang muna niya ipaparada ang sasakyan niya dahil aalis pa siya mayamaya. Kaarawan kasi ngayon ng daddy niya kaya pupunta siya sa mansiyon nila. Imbes na pumasok na sa loob ay mas pinili niyang manatili muna ng ilang minuto sa loob ng sasakyan niya. Hindi kasi siya maka-move on sa nangyari sa kaniya kanina. Habang nakasandal sa driver seat ay pansamantala niya munang ipinikit ang dalawang mata niya. Iniisip niya kasi kung ano ang ibibigay niyang regalo mamaya sa daddy niya. Pero, agad din siyang napamulat nang biglang kumalabog ang bintana ng sasakyan niya. Kaya mabilis pa sa alas-kuwatro na tinanggal niya ang seatbelt niya para sitahin ang salarin. "Ikaw na naman?" Ang salarin kasi ay walang iba kundi ang babaeng madaldal na may-ari ng restaurant na kinainan niya kanina. "Sinusundan mo ba ako?" tanong niya rito habang masama ang tingin na ipinupukol niya rito. May hawak-hawak pa itong paper bag habang nakatingin sa kaniya. Nakanganga ito kaya siya na mismo ang nagsara ng bibig nito. "Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" ulit niyang tanong sa babae. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Kilala mo ba ang may-ari ng bahay na 'yan?" Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay tinanong din siya nito pabalik. "Kilala mo ba ang may-ari ng bahay na 'yan, ha, Nicanor?" "Hindi," tanggi niya. Kapag sinabi niya kasi na dito siya nakatira baka araw-araw siya nitong bad-trip-in. "A-ano? Eh, bakit nandito ka sa tapat ng bahay nila?" "Dahil may nanakawin ako sa kanila," tugon niya. Sa pagkagilalas niya ay nabitawan nito ang hawak-hawak nitong paper bag. "Ikaw bakit nandito ka?" "I lived here!" mabilis nitong tugon sa kaniya. "Diyan ako nakatira!" Turo nito sa bahay na katapat lang ng bahay niya. Goodness! Bakit ba puro na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay niya! "Are you a thief? But, why?" paulit-ulit nitong tanong sa kaniya na tila hindi makapaniwala. "Dahil kailangan." Marahas nitong hinatak ang kuwelyo niya. "Alam mo bang masama ang magnakaw, ha? Ang laki-laki ng katawan mo, bakit hindi ka magtrabaho? Paiwan-iwan ka pa ng isang libo sa lamesa ko, 'yon pala mandurugas ka lang!" "Will you please, lower your voice?" Ang lakas kasi ng boses nito kaya medyo nakakaagaw na sila ng pansin. "Ano'ng balak mong nakawin sa kanila?" tanong nito na ngayon ay mahina na ang tinig pero may diin. "Ano ba ang kadalasang ninanakaw ng mga magnanakaw sa isang napakalaking bahay?" Sandali itong nag-isip. Parang gusto niya tuloy lumipat ulit ng bahay. "Nicanor, pera ba ang nanakawin mo?" pabulong nitong tanong sa kaniya. "Alam mo bang puwedeng masira ang buhay mo sa gagawin mo? Teka, magkano ba ang kailangan mo?" "Limang milyon." "Limang milyon lang pala, eh. Pahihiramin na lang kita kesa magnakaw ka." Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. Masyadong malaki ang limang milyon para pahiramin siya nito kung sakali. Hindi niya alam kung maawain lang talaga ito o sadyang hangal lang. "Pahihiramin kita ng pera pero sa isang kondisyon." "At ano naman 'yon?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Paligayahin mo muna ako." Tumaas ulit ang mga kilay niya. "What do you mean? In what way? So you mean, you want me to have s*x with you in exchange for the five million that you will lend to me? Am I right?" "s*x ba ang nagpapaligaya sa 'yo?" nakairap nitong tanong sa kaniya. "Ang bastos mo naman. Hindi ba puwedeng maging magkaibigan lang tayo?" "I don't make friends, woman." "Huwag ka ngang maarte! Buti nga hindi pa kita isinusumbong ngayon sa mga pulis, eh. Akalain mo 'yon, ang ganda ng sasakyan mo, ang ganda ng porma mo tapos magnanakaw ka pala! Tsk!" Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay dahil bahagya na siyang nasasakal sa ginagawa nito. "Bitawan mo na nga ako!" "Para ano? Para maisagawa mo 'yang masama mong plano, ha? Hindi ka ba naaawa sa may-ari ng bahay na pagnanakawan mo? Ang laki-laki ng itlog mo, hindi ka magtrabaho. Pati ba 'yang suot-suot mo ninakaw mo rin? 'Yang sasakyan mo, saan galing 'yan? Huwag mong sabihin sa akin na pagnanakaw ang trabaho mo? Magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat. Pagsisihan mo na ang mga kasalanan na nagawa mo at humingi ka ng tawad sa mga taong pinagnakawan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kitang magbago." Humugot siya ng malalim na hininga. "Hindi ka ba napapagod sa pagsasalita?" "Hindi!" mabilis nitong sagot at mas lalo pang hinila ang kuwelyo ng damit niya. "Gusto lang kitang itama, Nicanor. Gusto ko lang na magising ka sa katotohanan. Kung kailangan mo ng trabaho, puwede kitang ipasok sa restaurant ko. Kung gus–" Pinahinto niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng halik. Ang ingay-ingay kasi nito. Halos tatlong doble yata ni Yna ang katauhan nito. Ilang segundo rin ang pinalipas niya bago niya pinakawalan ang mga labi nito. Unti-unti na rin na lumuwag ang pagkakahawak nito sa kuwelyo niya na lihim niyang ipinagbunyi. "B-bakit mo ako hinalikan? Hindi mo ba alam na first ko 'yon, ha?" Kung makapag-react ito akala mo virginity na nito ang ninakaw niya. "Bakit mo kinuha ang first kiss ko, ha, Nicanor?" "It was just a kiss so don't overreact, woman. Subukan mo pa akong tawagin sa pangalang Nicanor, hindi lang halik ang gagawin ko sa 'yo dahil gaga–" "Bakit, ano'ng gagawin mo?" "I will f**k you until you beg me to stop." "Mandurugas ka na nga, manyakis ka pa," bulong nito na umabot naman sa pandinig niya. "Sisihin mo ang mga magulang mo dahil Nicanor ang ibinigay nilang pangalan sa 'yo." "Umuwi ka na dahil aalis na ako," sabi niya. "Saan ka pupunta?" tanong nito. "Uuwi na." Nang akmang sasakay na siya sa sasakyan niya ay pinigilan siya nito. "Puwede kang kumain ng libre sa restaurant ko araw-araw. 'Yon naman ang dahilan mo kaya ka nagnanakaw, 'di ba? Para may pangkain ka? Magbibilin ako sa mga staff ko na kapag kumain ka sa restaurant ko ay 'wag ka nang singilin." "Sige na, pakawalan mo na ako." "Ang ibig bang sabihin no'n hindi ka na magnanakaw, ha, Nicanor?" Napaismid na naman siya dahil sa itinawag nito sa kaniya. "Oo." "Paano ako makakasiguro na hindi ka na gagawa ng masama?" Bakit ba napakakulit ng babaeng 'to! "Hindi na nga ako gagawa ng masama!" Pinagsisihan niya na tuloy kung bakit sinabi niyang magnanakaw siya. Ang akala niya kasi matatakot ito sa kaniya at lalayuan na siya pero nagkamali siya. Pursigido kasi ito na baguhin ang sarili niya sa pag-aakalang isa siyang magnanakaw. "Paano ko nga malalaman na magbabago ka na?" "Hanapin mo sa puso mo," pabalang niyang tugon. "Aalis na ako kaya puwede bang bitawan mo na ako?" Imbes na sa loob siya ng bahay niya dumeretso ay napagpasyahan niyang mag-drive na lang papunta sa Vnet para matulog sa opisina niya. Doon kasi ay tahimik ang buhay niya at walang puwedeng mang-istorbo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD