KASALUKUYAN akong payuko-yuko at nagtatago mga nagtataasang talahib. Hindi masyadong maliwanag ang buwan. Ngunit kaya ko pa ring makita ang nilalakaran ko. Dahil sanay ako sa dilim. Talagang sinanay kaming nakipaglaban sa dilim. Patuloy lang ako sa paglalakad. Laking pasasalamat ko dahil nakatawid ako ng ilog kanina na walang aberya. May tulay na kahoy kasi kaya hindi ako basta nahihirapng makatawid. Tapos ngayon ay kailangan kong mahanap ang lungga ng mga nakalaban ko. Kanina pa ako paikot-ikot dito ay hindi ko pa rin sila makita-kita. Wala man lang akong makitang kahit isang bahay o kubo. Nag-iisip tuloy ako kung saan galing ang mga taong ‘yun na naging kalaban ko. Ngunit biglang kumunot ang aking noon nang mapatingin ako sa dulong bahagi ng daan. Parang may nakita akong mga ilaw roon.