"MARAMING salamat, Ezra," sabi ni Cecilia pagkababa niya sa sasakyan ng binata. "Ako ang dapat na magpasalamat dahil sinamahan mo 'ko sa party, kahit na nabulilyaso," napangiwi ito sa huling sinabi. "Pasensya na-" "No. I should the one to say that. Dapat talaga hindi na kita sinama 'dun dahil alam ko na pupunta rin doon si Ephraim at maaaring magkaroon ng gulo. Pasensya na rin kung dinamay pa kita sa kasinungalingan ko," napakamot nitong sabi. "Pumayag din naman ko, kaya mali ko rin." Hinawakan ni Ezra ang kamay niya. "If only you weren't pregnant and you weren't Ephraim's wife, baka-" "Huwag mo ng ituloy, Ezra," pigil niya sa iba pa nitong sasabihin at binawi ang kamay niyang hawak nito. "Alam ko naman na mahal mo pa rin si Vien." Natigilan ito. Marahil nagulat ito na alam niya ang