Kabanata 5

1139 Words
AZUL Nakita ko na nakanganga lang ang lalaking kausap ko. Maya-maya ay bigla itong natawa. Malakas na tawa. Halos maiyak pa ito at napahawak sa akin sa sobrang tawa. "Grabe ka namang mangprank! Alam mo, masarap ka kasama. Joker ka rin pala," pinunasan nito ang luha na nasa mata nito. Pero hindi ako tumawa. Pinakita ko lang dito na seryoso ang mukha ko.  Natigilan ito.  "Y-You can't be right... right?" nanginginig na tanong nito. Umiling ako. "Tulad mo, ayaw ko rin ng naiisip ko. Pero ang nangyari sayo ay ganoon na ganoon din ang nangyari sa akin bago ako magising at mapunta sa lugar na ito. At isipin mo nga, saang lupalop sa Pilipinas o mundo ang may ganitong kagandang lugar? Wala, diba? Mukhang virgin pa ang forest na ito. Kung totoong nageexist ito sa mundo, disin sana'y 'yung mga ganid sa likas na yaman at pera ay pinagkainterestan na 'to. Hindi ako matalino, pero, hindi ako mangmang. Isang tingin pa lang sa lugar na 'to, alam mong napakaganda. Buhay na buhay ang gubat at ang mga hayop na nakikita mo ngayon sa paligid... lahat 'yan ay kakaiba. Isipin mo nga, may ganyan bang kalaking snail?" sabay turo sa likod nito. Lumingon nga ito at napasigaw sa takot. Sobrang laki talaga ng snail. Parang kasing laki na ito ng isang shihtzu na aso.  "Diyos ko!" nasapo nito ang dibdib sa takot. "See? Tingin mo, kung sa totoong buhay may ganyan kalaking snail, hindi ba 'yan pagaaralan ng mga scientist? Hindi ba 'yan pagiinterestan ng sinu-sino?" Tumango ito at napalunok. "T-Tama ka," "Isa pa, tignan mo ang punong nasa tabi natin," Tinignan nga nito. "Saan ka nakakita ng maple tree sa Pilipinas? Wala, diba?" Huminga ako nang malalim. "Isa pa, sinabi ko sayong nakakita ako ng lion kanina. Normally, ang instinct talaga ng lion kapag nakakita ng tao, lalo na't nabuhay ito sa wild ay sagpangin ang tao. Kasi para sa kanila, threat tayo. Pero mantakin mo, humikab lang sa akin. Walang pakialam. Saan ka nakakita ng ganoong lion? Ano ako, si Daniel in the Lion's den?" sarkastiko kong sambit. Gustong matawa ng lalaking kausap ko sa huli kong sinabi pero mas nanaig dito ang takot kaya hindi tuloy makatawa. "A-Anong gagawin natin...? Parang hindi ko yata kayang tanggapin na napunta ako sa laro..." nanghihinang sambit nito. "Hindi lang naman ikaw. Kahit ako. Pilit ko lang tinatatagan ang loob ko," "Anong balak natin ngayon?" "Kailangan nating maglakad-lakad. Hindi pupwedeng nakanganga lang tayo. Walang himala. Dapat nating tuklasin ang kahiwagaan ng lugar na 'to. Malay mo, makakita pa tayo ng ibang tulad natin," "S-Sige, tama ka," Napangiti ito. Nagtataka ko itong tinignan. Napapangiti pa ito sa lagay na 'to, ha? "Ano nga palang pangalan mo? Nakakatawang tanong. Parang elementary lang," napakamot ito sa ulo. Natawa na rin ako. "Azul Falcon," sambit ko. Napasinghap ito. "Ang ganda ng pangalan mo. Azul ang pangalan mo, as in 'yung color?" Tumango ako.  "Astig naman ng pangalan mo. Eh 'yung Falcon, totoong apelyido mo ba 'yan o ginogoodtime mo lang ako?" Napangiwi ako. "Siraulo ka. Tingin mo sa kinasusuotan nating sitwasyon naisip ko pang i-goodtime ka. Totoong Falcon ang apelyido ko," "Pang screen name ng artista ang pangalan mo, ha! Astig. Ako naman si Jordan," pakilala nito at nakipagkamay sa akin. "Jordan...?" "Jordan Cabusao," Tumango ako. "Halika na, Jordan. Hindi na tayo dapat magaksaya ng oras. Ang isiping bawat minutong lumilipas ay nasa loob tayo ng laro eh parang nakakapagpabaliw sa akin. Kailangan nating gumawa ng paraan para makaalis dito. Ready ka na ba?" Ngumiti ito sa akin. "Ready na brother,"  Natigilan ako. Brother...  Kahit kailan ay walang taong tumuring sa akin ng brother. Kahit mga kaibigan ko sa totoong buhay at mga kapatid ko. Para sa mga ito dahil wala akong silbi at dakilang palamunin, hangin lang ako na hindi nakikita ng mga ito. Nakaramdam ako ng kakaibang pait sa dila ko dahil doon. "Ano, tara na?" untag nito. Nabalik ako sa reyalidad. "T-Tara na," Napakalawak ng gubat na ito. Kung hindi ko lang alam na nasa laro ako, magagandahan na sana ako. Napakavirgin kasi ng lugar at para tuloy akong nasa heaven na. Para akong nasa Hardin ng Eden. "Ay pucha...!" narinig kong sigaw ni Jordan habang naglalakad kami. "Oh, bakit?" "Azul, bilis, takbo...!" Malakas na sigaw nito habang kumakaripas ng takbo. Wala na akong nagawa kundi tumakbo na rin. "A-Ano ba 'yon?" "Pucha! Tama ka nga! Nasa The World Beneath tayo! Ahhh!" sigaw pa rin nito. "Ano ba? Sino ba ang tinatakbuhan natin?" "Alam mo 'yung monster sa The World Beneath na level 10? Kapag newbie ka pa lang? 'Yung angry pig?" "Oo, bakit?" hinihingal kong tanong habang patuloy kami sa pagtakbo. "Ang lintyak na baboy na 'yon kinagat ako sa puwit! At 'yan nga hinahabol ako...!" Natigilan ako sa paglalakad at natawa. As in, tawang-tawa! Inis na tumigil si Jordan. "What's funny!" Bumanghalit ako ng tawa. Goodness, parang sa tagal ng panahon ngayon na lang ulit ako natawa ng ganito! "Anong nakakatawa? Ikaw! Diyos ko, Jordan! Sa laking tao mong 'yan takot ka sa angry pig na 'yon!" "Ikaw ba kagatin sa puwit, matutuwa ka ba?"  Natawa nanaman ako. Maya-maya ay sumabay na rin si Jordan matawa nang maisip siguro nitong angry pig lang ay natakot pa ito.  "Hayyy... pero paano kaya tayo talaga makakaalis dito?" "Hindi tayo dapat tumigil. Maghanap tayo ng paraan," "Pero parang kanina pa tayo naglalakad, parang paikot ikot lang tayo. Napakalaki ng gubat na 'to. Baka nga nasa gitna pa tayo ng gubat eh..." ani Jordan. Hindi ko pinahalatang natakot ako dahil baka 'yon nga. Baka sa gubat pa lang, mamatay na kami sa gutom. Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Kami ni Jordan. Tuloy lang kami sa paglakad. Huminto ako saglit dahil parang may natanawan akong kakaiba. Idinantay ko ang mukha ko sa mayabong na halaman at pilit na binubuksan 'yon sa kapal.  Paghawi ko ng makapal na halaman ay napasinghap ako sa nakita ko. "J-Jordan..." "Bakit?" "H-Halika," nanginginig na sambit ko. Lumapit sa akin si Jordan. Sumilip din sa halamang hinawi ko.  Napalunok din ito sa nakita. "Hindi ba't... 'yan ang kastilyo ng Elinia...?" nanginginig kong tanong. Hindi ito nakapagsalita pero tumango na tila natatakot at naamaze. Ako man ay ganoon din ang nararamdaman. Sobrang laki ng kastilyo na kulay gold. Ganoon na ganoon ang kastilyo sa larong The World Beneath. Parang kastilyo ng mga Disney princess. Ang kinaibahan lang ay kulay gold ang exterior ng napakalaking kastilyo. "A-Azul... h-hindi ba't... mga tao 'yan?" sabay nguso nito sa mga taong nakahiga. Nanglaki ang mga mata ko at napasinghap. Nakafocus lang kasi ako sa malaki at mataas na kastilyo kaya hindi ko napansin ang mga nasa paligid nito. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ang sandamakmak na taong nakahiga sa damuhan...! May mga tao... maraming tao! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD