(Hazel's Pov) Tumingin ako kay Wallace, habang panay ang hilot ng noo niya, mukhang hindi yata nagustuhan ang mga tanong ko sa kanya. Dahan-dahan din itong tumingin sa akin at nakita kong sobrang dilim din ng mukha ng lalaki. Peste naman, oh! Ano bang mali sa tanong ko at kulang na lang ay budyakan ako ng lalaking ito? Saka, ano ba ang tamang dapat sabihin? Upang hindi ko ma-offend si Wallace? Pangit naman kasing pakinggan kung magtatanong ako sa kanya na--- “Bakla ka ba, Wallace? Jusko po! Baka ang bagsak ko ay sa taas ng bubong dahil binalibag niya ako roon. Kaya nga itong magazine ang ginamit ko upang makita ko kung bakla nga ang aking asawa. “Hazel, kung wala kang matinong itatanong sa akin ay mas mabuti pang umalis ka na lang!” pasinghal na pagtataboy nito sa akin. Kinuha na lama