MABILIS na umikot ang mga mata ko sa buong paligid, hanggang sa matanaw ko ang hindi kalakihang kahoy. Agad kong inangat ang isang paa ko at ubod lakas kong sinipa ang kahoy papunta sa itlog ng lalaking may dala-dalang itak. “Ahhhhhhhh!” malakas na sigaw ng lalaki at halos mamilipit din ito sa sakit. Nabitawan din nito ang itak na hawak-hawak niya. Kaya naman agad kong binitawan ang latigong hawak ko. At mabilis ding gumalaw ang katawan ko upang kuhanin ang itak. Mala-ipo-ipo akong imikot sa ere at walang habas kong ibinato ang hawak kong itak sa nagfe-feeling bossing. Gulat na gulat ito sa nangyari kaya hindi na ito nakailag pa nang tumama sa katawan nito ng matalim na Itak. Tumingin din ako sa lalaking may nakapulupot na latigo sa leeg nito. Mukhang wala na itong hininga. Kaya ang